kasi uuwi na si May papuntang Isabela at matatagalan ulit bago siya makita;
kasi isa palang ang nagtatrabaho samin bilang tunay na nars;
kasi namimiss ko na ang tropa ko mula nung second year college hanggang ngayon kahit magkasama palang kami kanina;
kasi nakakamiss yung mga pinagsamahan namin nung college at yung ngayon;
kasi nakakamiss ang mga baon na pagkain ni Pat;
kasi nakakamiss ang pangungulit ni Chic;
kasi nakakamiss yung mga mata ni Isabel na may bahid ng kalokohan at kabutihan;
kasi nakakamiss yung natatanging boses ni May;
kasi nakakamiss yung mga kuwento ni Donna at ang kanyang tawa;
kasi nakakamiss yung ka-sweeetan nina Ann at Xtian;
kasi nakakamiss yung mga kanta ni Pao pati na rin ang kanyang pagsayaw;
kasi nakakamiss yung pang-aapi namin kay Isabel na laging game at hindi napipikon;
kasi nakakamiss yung mga libreng Mcflurry at Coke Float ni Pao;
kasi nakakamiss yung pagvivideoke lalo na sa Platinum pagkatapos ng Community;
kasi nakakamiss yung pag-inom habang todo-bigay sa pagkanta sa Platinum;
kasi nakakamiss yung pagpasa ng microphone para makakanta lahat sa videoke;
kasi nakakamiss yung asaran sa kung sino ang may pinakamataas na videoke grade;
kasi nakakamiss yung pag-alala kay Sir Caranguian ng Lit sa kanyang pagtuturo at pagpapatawa;
kasi nakakamiss yung mga nabokya kami sa exams sa Primary Health Care;
kasi nakakamiss yung paggawa ng Nursing Care Plans na minsan e palpak na simula sa assessment;
kasi nakakamiss yung mga antics ni MJ, the Super Boy at ang kanyang pambihirang costume;
kasi nakakamiss yung paggaya ni Pao kay Golem at ang pagsasaksakan nina Ann at Xtian para sa demo sa speech;
kasi nakakamiss yung paglibot ng Cornbits na blue sa buong klase habang hindi mapigilang magpunas ng ilong sa pag-eepistaxis sa mga tinuturo ni Sir Physics (?) sa kanyang klase sa SB 304;
kasi nakakamiss yung pag-oovernight kina Gretch para lang makagawa ng mga charts at table para sa CDX;
kasi nakakamiss yung pagpasok sa mga klase na wala pang tulog gawa ng paggawa ng CDX;
kasi nakakamiss yung nagkagrade kami ng 65 dahil hindi pa tapos ung spot map namin;
kasi nakakamiss yung paglibot sa buong Brgy. Parada ng Sta. Maria, Bulacan para magsurvey;
kasi nakakamiss magRLE;
kasi nakakamiss magPhysics kahit 20/100 ang grade namin lagi sa quizzes;
kasi nakakamiss pumasok sa FEU;
at higit sa lahat, nakakamiss yung pagsasamahang walang katulad (parang SMB lang) na tunay na humihigit sa pagsasamahan ng magkakapatid.


Mga KATROPA, mahal ko kayo at naiinis ako dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha sa magkahalong tuwa at pangungulila sa inyo.
Alam ko, magkikita-kita pa ulit tayo. Baka sa US nga lang o sa planeta ni May. Haha
No comments:
Post a Comment