Saturday, August 9, 2008
Limang Araw
ilang araw na nga ba ang nagdaan nung huli akong nagsulat para sa aking blog?
limang araw. maikli at maliit na bagay kung ituturing pero sa mga nangyari saken ngayon linggo e masasabi kong napakalaking bagay na nito.
a.) una- naayos ko lahat ang mga dokumento na kailangang ipadala sa australia matapos ang mahigit tatlong araw ng pagaasikaso. bawat araw ay nangangailangan ng humigit kumulang na dalawang oras para sa pagpila, dalawang panyo o bimpo para sa pampunas ng pawis, isang pamaypay panlaban sa init, maraming pera para sa mga bayad sa mga dokumentong kailangan, dalawang tig-500 ml na tubig para sa uhaw at limang libong pagtitimpi sa mga taong walang pakundangan kung mang-inis sa iyong pagpila at sa kanilang katangahan.
b.) ikalawa- nakapagsabi na ako sa IDP na ipadala nila ang resulta ng aking IELTS sa australia kapalit ng tumataginting na P1,400 para makarating ito doon sa loob ng tatlong araw. taliwas ito sa mahigit isang buwan na paghihintay para naman makarating ang stateboard verification ko doon mula sa prc sa halagang P101.
c.) ikatlo- nakauwi na si weng at dala ang isang daang kuwento ng kanyang mga karanasan sa malaysia sa pakikipagtunggali sa pagsagwan. nakakatuwa ang mga karanasan niya at siyempre pa, nakakatuwa ang kanyang pasalubong. may kasama pa palang pansit ang pagdating niya. salamat weng.
d.) ikaapat- nakilala ko si ate aireen na pareho naming gustong manirahan sa australia at doon ay magtrabaho. naging makabuluhan ang aming maikling pagsasama dahil para kaming magkakilala nang sampung taon sa aming mga kuwentuhan. isa itong pagbabago sa aking tingin sa sarili na ako ay kulelat sa pakikipagkapwa-tao lalo na sa mga estranghero.
e.) ikalima at panghuli- dumating na ang go signal para mag-ayos na ng mga kulang na dokumento para sa egypt! ibig sabihin, malapit na akong umalis! yay! ang saya dahil dumating din ang pinakahihintay ko na pagkakataon. subalit, naiipit naman ako ngayon kung kakayanin ko ba ang pagkuha ng NCLEX.
ang daming nangyari na dapat na alalahanin. tulad na lang ng araw na ito. sadyang pambihira dahil ito ay sumisimbolo sa 888. simula pa ng olympics. subalit, mas maganda siguro kung ating tatandaan na ang bawat araw ay mahalaga at dapat na alalahanin. bawat araw ay espesyal. bawat araw ay hindi na muling maibabalik.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment