pinipigilan kong magsalubong ang dalawang kilay ko. mahirap at madugo. isang proseso na hanggang ngayon e hindi ko malaman kung pano ko matutunan. sumasabay ito sa pag-agos ng lahat ng dugo papunta sa itaas na bahagi ng aking katawan. galit ako. violated. treated unfairly. pagod. worn out.
sa nakalipas na mga araw, naging busy ako sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa pag-alis ko. yup, totoo. aalis nako by next week. ang sabi e sa Huwebes na daw ang aming biyahe pa-Ehipto. di ba mas maganda kung lahat ng iiwan mo dito e nasa ayos? mas maginhawang bumiyahe na ang isip mo ay malaya sa mga pag-aalala kung. ang kaso lang, ang tingin ko e masyado akong nahihirapan sa pagsasa-ayos ng aking buhay at ng aking iiwanan.
particularly, ang aking pamilya. si mama e patuloy sa kanyang domineering ways at tila pagiging makasarili sa mga pagbili sa mga "wants." si ate na patuloy akong dinidissappoint sa kanyang mga hakbang na ang pakiramdam ko e hindi ko nakuha ang kanyang suporta. ang mga nakakabatang kapatid na pilit namumuhay sa mga baluktot na nakagawian.
sa kabilang banda, ang daddy ko na malayo sa amin e ang tinuturing ko na todo ang suporta sakin. ang weird no? kahit hindi siya physically present, i still feel na nasa likod ko lang siya with all the preparations that i have to do. salamat dad.
pakiramdam ko, hindi ako suportado ng pamilya (except for my dad) ko beyond their material support. i just feel bad. my friends understand me more. it is just so not right.
No comments:
Post a Comment