bakit dun? diba delikado dun? san yun? hindi ba nakakatakot dun?
mga tanong na ang tingin ko e bumabakas sa pagiging ignorante ng mga tao na nasa paligid ko. isang patunay na ang karamihan sa atin e naka-kahon sa kung ano ang tinuro ng ating mga paaralan at nalilimitahan ng hindi nalaman o hindi inalam habang nag-aaral. maari rin na ito ay sumasalamin na ang karamihan din sa mga pilipino e hindi mahilig magbasa o tumuklas tungkol sa mundo o kanyang paligid.
bakit kamo? papaano kasi e meron sa mga kabatch ko at iba pang kakilala na sa pambihirang pagkakataon e tinanong ang mga iyon. aaminin ko na naiinis ako at namamangha kung gaano kaliit ang kanilang mundo na ang para sa kanila, maari lang magtrabaho ang isang nurse sa US, UK, CANADA, SAUDI at PILIPINAS.
bakit dun? kasi ang ehipto lang ang tumatanggap sa amin. siya lang ang nagbukas ng pinto para sa amin.
diba delikado dun? san ba ligtas? ligtas ka ba sa PILIPINAS? e sa US, UK, CANADA at SAUDI? o kaya ay ligtas ka ba sa bahay niyo? walang lugar ang tumitiyak ng iyong kaligtasan. lahat ay nahaharap sa mga risks. pero para sabihin ko sa inyo, ang isa sa ikinabubuhay ng mga tao sa Ehipto e ang turismo. nangangahulugan na ang kaligtasan ay isang malaking bagay upang mapanatili nila ito.
san yun? aba, nagtapos ka ng high school e hindi mo alam kung nasan ang Egypt? naku malamang tulog ka nung ituro na ang egypt e nasa north africa. nakakahiya ka, hindi mo alam ito pero nakatapos ka ng high school.
hindi ba nakakatakot dun? hay nako, open city po ang lugar na ito. hindi gaya ng saudi. at nasabi ko na rin na bilang isang tourist spot, pinapangalagaan nila ang kaligtasan ng mga turista sa abot ng kanilang makakaya dahil pinagkakakitaan nga nila ito.
sa totoo lang, naramdaman ko simula ngayon ang sitwasyon na kinakaharap ng mga OFW. in short, feeling OFW na ako ngayon. kinakabahan na nga ako e and at the same time, naramdaman ko ang ilan sa mga emotions na maaring maramdaman ng isang OFW. nag-PDOS na kasi ako kanina and somehow, it was an eye-opener na medyo annoying dahil mas marami pa ang mga advertisements ng kung ano-ano.
basta masaya ako na may trabaho ako. masaya ako na ang ospital na pupuntahan ko e di basta-basta. masaya ako na pupunta ako sa egypt na napakahistoric at majestic ng mga makikita dun. masaya ako kahit papano.
No comments:
Post a Comment