hindi ako magaling sa pakikihalubilo sa mga tao. hindi rin ako biniyayaan ng isang mapanglinlang na mukha. kung galit ako, makikita mo iyon agad sa mukha ko sampu ng iba't ibang emosyon na bumbalot sa akin. dahil dito, ang mga kaibigan ko ay tunay na nakakakilala sa aking buong pagkatao.
san ba papunta to? kamakailan lang kasi e may nabuong parang samahan sa mga kapitbahay namin at ng nanay ko. dalawang pares ng mag-asawa (ung isa hindi legal) ang madalas na kausap ng nanay ko tuwing hapon. ang mag-asawa na isa e magulang ng kasamahan ko sa choir dati. ung isang pares na mas matanda e hindi talaga tunay na mag-asawa. si lolo bon (di-tunay na pangalan) ay may asawa na naninirahan sa u.s. at dala na rin suguro nh kalungkutan at pag-iisa lalo na at may-edad na siya e mas mabuting may kasama siya- si lola tin (di rin tunay na ngalan).
si lolo bon at lola tin ay masasabi kong namumuhay nang maaliwalas. maganda ang pagsasamahan kahit hindi tunay na mag-asawa. narealize ko lang na sadyang maganda na may partner ka sa buhay na andyan hanggang sa huli. eto ang issue dito, kanina kasing nagkukuwentuhan ang nanay ko at ang mga bago niyang tropa, nalaman namin na dinala sa ospital si lolo bon dahil daw sa stroke. hindi namin nalaman kung ano ginawa ni lola tin para madala sa ospital si lolo ngunit napag-alaman namin na dumating ang isa sa mga anak niya. dahil dito, hindi na pinapabalik si lolo bon sa kanyang bahay sa harap namin.
si lola tin ay walang magawa dahil hindi nga siya legal at para bang may himig ng pagdaramdam ang mga anak ni lolo bon na tila pinabayaan siya. para sa akin, tila hindi makatarungan ang gagawin ng mga anak ni lolo bon sa kanya at kay lola tin. alam ko na hindi naman maiiwasan ang mga ganyan sitwasyon dahil pareho na silang tumatanda. silang dalawa ay parehong nakatagpo ng isang relasyon na hindi nakakulong sa mga dokumento o apat na sulok ng simabahan kung saan pinagdudugtong ang kapalaran ng dalawang nilalang na mag-aasawa.
kaya siguro nagtagpo sila e dahil hindi makita ng isa't isa ang pagmamahal na kanilang inaasahan na ibibigay ng kanilang mga mahal sa buhay. alam naming mag-anak iyon dahil nagkukuwento silang dalawa sa amin. hindi ko alam kung dahil sa masarap na pagkain na inihain namin sa piyesta sa kanila o dahil na rin siguro sa edad ni lolo ben kung kaya't nangyari to. para sa aming kapitbahay nila, lubos kaming nalulungkot kung patuloy silang maghihiwalay sa puntong ito ng kanilang buhay.
dati, wala akong pakialam sa buhay ng iba. hindi ko rin nanaisin na lumapit sa ibang tao at magbigay ng oras ko sa kanila. ngunit sa hinahaba-haba ng pagkabakante ko, marami akong natutunan sa buhay. at isa sa mga ito e ang aral na napulot ko sa kuwento nina lolo bon at lola tin.
sa lahat ng oras na kailangan ni lolo bon ng kalinga at pagmamahal, andun si lola tin para ibigay iyon. nakita ko iyon at naging bahagi kami sa kanilang pagsasama. ngayon na tila mapuputulan ng isang pakpak ang dalawang ibon, natatakot ako sa kanilang paglipad patungo sa huling bahagi ng kanilang paglalayag sa mundo.
No comments:
Post a Comment