kahit medyo puyat at pagod, susulitin ko ang pagkakataon na ito upang makapagsulat at makapagkuwento. aaalis na ko sa aking lupang sinilangan sa darating na miyerkules. pucha, nakakatakot pala na nakakapraning.
hindi na libre pagkain.
hindi na libre tubig.
hindi na libre kuryente.
hindi na libre paninirahan ko sa isang lugar.
hindi na libre pamasahe.
hindi na libre laba.
hindi na libre plantsa.
hindi na libre linis ng bahay.
hindi na libre panonood ng tv.
at lalong lalong hindi na libre sa pag-iinternet at pagbloblog.
naisip ko lang, ang dami palang isasakripisyo sa pangingibang bansa. dati, pangarap kong manirahan sa ibang bansa at maging independent sa lahat ng aspeto. ngunit ngayon, parang hindi pa ako handa. well sa totoo lang, kaya ko naman yong mga gawaing bahay puwera na lang sa paglalaba pero ang pinakapagsubok e yung mabubuhay ako sa kikitain ko.
putik, wag naman sana akong mahomesick nang todo at mahirapang mag-adjust dahil baka maudlot lahat ang mga pangarap sa buhay. mahirap na, madami umaasa hehe. naku wag lang akong bigyan ng mga tao sa paligid ko ng tingin na nagtatanog kung bakit sa Egypt at baka tadyakan ko sila sa kanilang kamangmangan sa aking pupuntahan.
o siya, eto na muna ang mga larawan nung ginamit namin yung gift certificate na napanalunan ko sa Jam 88.3. ang sarap talaga ng libre hehe
No comments:
Post a Comment