isa na akong ganap na ofw hahaha. sa katunayan, naghihintay ako ngayon sa abu dhabi international airport para sa aming biyahe papuntang cairo, egypt. more than 12 hours ang aming hihintayin para sa aming susunod na biyahe at habang sinusulat ko ito, pagod na pagod ang buong katawan.
first time lahat ang mga karanasan ko sa biyaheng ito. simula sa pagpasok sa naia 1 habang nabobo ako kung ano ilalagay sa tray sa mga gamit na titignan hanggang sa nahuhuli lagi ako sa pagchecheck in. first time sa buong buhay ko na labis akong nauhaw sa tubig and yet nag-iisip ako kung bibili ng tubig na nagkakahalaga ng 40 pesos para sa 500ml. first time din na nagugutom ako and yet nagiisip din kung pwede ba akong kumain gawa ng simula ngayon ng ramadan ng mga muslim.
mahirap pala ang mag-abroad. ever since na magkaisip ako, i always wanted to go abroad to live and work there but reality just hit me big time.
well, it is just the start and i still have to make adjustments and condition my whole mind and soul that i need to endure all of these to be successful.
pucha, ang baho lang ng ibang tao dito at napakabland ng mga pagkain. shocks papayat talaga ako dito. at ang mga indians? naku mukhang hindi nila alam ang ibig sabihin ng privacy. napakadaming pinoy dito sa abu dhabi lalong lalo na sa mga duty free shops at mga cabin crew ng etihad airways (ang sinakyan ko at ang flag carrier ng uae). gusto ko ng maligo at magtsinelas!
1 comment:
susundan ko ang blog mo. welcome to the world of OFWs! kapag sobra na ang lahat, tandaan - may awa ang Diyos at ika nga - this too shall pass.
Post a Comment