Friday, September 12, 2008

i survived my first week in egypt! hay it feels nice na nakaraos ako ng isang linggo dito sa ehipto.

wednesday: naghintay ng mahigit 13 hours sa abu dhabi international airport ng walang pagkain at accommodation sa hotel na dapat pala ay meron. pagtapak mo palang sa airport, iba na ang amoy. amoy kili-kili haha pero kailangang mag-adjust.

thursday: after mahigit 13 hours ng paghihintay, nakarating na rin ng cairo, egypt sabay direcho sa giza, egypt para magpunta sa hospital. had my first egyptian meal na baked chicken ata un, a bad-tasting tomato soup with potatoes, salad na puro cucumber na matigas, dessert na parang gelatin na may niyog ata sa taas at tubig. binigyan din kami ng 700 egyptian pounds for our allowance na kakaltasin din sa aming suweldo. maganda ang flat namin as in engrande talaga. off namin for two days.

friday: gumising nang maaga dahil nag-aadjust pa ang katawan. pinuntahan ako ni kuya hill sa bahay at inilibot sa shiek zayed. tinignan ung bahay na pwede kong lipatan at nagpunta sa mall na malapit dun. ang mall dun e parang supermarket lang ng sm. at ang amoy sa supermarket? tumatagos sa utak mo.

saturday:

Thursday, September 4, 2008

Charltoninho Meets World

isa na akong ganap na ofw hahaha. sa katunayan, naghihintay ako ngayon sa abu dhabi international airport para sa aming biyahe papuntang cairo, egypt. more than 12 hours ang aming hihintayin para sa aming susunod na biyahe at habang sinusulat ko ito, pagod na pagod ang buong katawan.

first time lahat ang mga karanasan ko sa biyaheng ito. simula sa pagpasok sa naia 1 habang nabobo ako kung ano ilalagay sa tray sa mga gamit na titignan hanggang sa nahuhuli lagi ako sa pagchecheck in. first time sa buong buhay ko na labis akong nauhaw sa tubig and yet nag-iisip ako kung bibili ng tubig na nagkakahalaga ng 40 pesos para sa 500ml. first time din na nagugutom ako and yet nagiisip din kung pwede ba akong kumain gawa ng simula ngayon ng ramadan ng mga muslim.

mahirap pala ang mag-abroad. ever since na magkaisip ako, i always wanted to go abroad to live and work there but reality just hit me big time.

well, it is just the start and i still have to make adjustments and condition my whole mind and soul that i need to endure all of these to be successful.

pucha, ang baho lang ng ibang tao dito at napakabland ng mga pagkain. shocks papayat talaga ako dito. at ang mga indians? naku mukhang hindi nila alam ang ibig sabihin ng privacy. napakadaming pinoy dito sa abu dhabi lalong lalo na sa mga duty free shops at mga cabin crew ng etihad airways (ang sinakyan ko at ang flag carrier ng uae). gusto ko ng maligo at magtsinelas!

Monday, September 1, 2008

Fresh

bagong bihis muna para sa bagong buhay na paparating.
bagong pamumuhay para sa bagong ako.

Libre

kahit medyo puyat at pagod, susulitin ko ang pagkakataon na ito upang makapagsulat at makapagkuwento. aaalis na ko sa aking lupang sinilangan sa darating na miyerkules. pucha, nakakatakot pala na nakakapraning.

hindi na libre pagkain.
hindi na libre tubig.
hindi na libre kuryente.
hindi na libre paninirahan ko sa isang lugar.
hindi na libre pamasahe.
hindi na libre laba.
hindi na libre plantsa.
hindi na libre linis ng bahay.
hindi na libre panonood ng tv.
at lalong lalong hindi na libre sa pag-iinternet at pagbloblog.

naisip ko lang, ang dami palang isasakripisyo sa pangingibang bansa. dati, pangarap kong manirahan sa ibang bansa at maging independent sa lahat ng aspeto. ngunit ngayon, parang hindi pa ako handa. well sa totoo lang, kaya ko naman yong mga gawaing bahay puwera na lang sa paglalaba pero ang pinakapagsubok e yung mabubuhay ako sa kikitain ko.

putik, wag naman sana akong mahomesick nang todo at mahirapang mag-adjust dahil baka maudlot lahat ang mga pangarap sa buhay. mahirap na, madami umaasa hehe. naku wag lang akong bigyan ng mga tao sa paligid ko ng tingin na nagtatanog kung bakit sa Egypt at baka tadyakan ko sila sa kanilang kamangmangan sa aking pupuntahan.

o siya, eto na muna ang mga larawan nung ginamit namin yung gift certificate na napanalunan ko sa Jam 88.3. ang sarap talaga ng libre hehe