naghahabol ako sa mga posts ko ngayon. ilang araw ang lumipas nang hindi ko namalayan. all of a sudden, parang bumilis yung paghila ko sa bawat araw para dumaan.
i attended a wedding last saturday and it was just beautiful. a lot of good friends were there and those people that i had the privilege to work with before. masaya. nakakatuwa. higit sa lahat, nawala ang sumpa ng pagiging single sa aming magkakaibigan. which brings me to this fear that i have, na bukod tanging ako lang ata ang nakatakdang tumandang mag-isa.
hindi naman actually nakakapagtaka kung sakali. sa kapatid ni mama, tatlo sa kanila ang matandang dalaga. kay daddy, isa ang matandang dalaga. may mga pinsan din si mama na wala pang asawa: dalawa. sa kapatid naman ni lola ay tatlo- isang matandang dalaga at dalawang matandang binata. kaya nga natatakot ako kay ate kasi trenta na siya at wala pang asawa. gusto ko na siyang mag-asawa pagka-alis ko. alam ko naman na hinihintay lang niya na makapag-abroad ulit ako. buti na lang at may boyfriend siya.
sa mga kaibigan ko mula sa trabaho, lahat naman sila ay nagkaroon ng seryosong relasyon. ako? isa. hindi pa matino. pumasok lang sa relasyon para maranasan na magkaroon ng jowa. all for the wrong reasons.
madalas, i find myself alone. either by fate or by choice, panigurado yun. hindi ko rin alam kung dahil lumaki ako na self-reliant that i hardly depend on somebody else. na dapat kayanin kong mag-isa. but you know, it can get lonely at times. kahit gaano kadalas kong kumbinsihin ang sarili ko na okay lang ako, hindi pa rin. meron lang din sigurong hangganan kung ano ang kaya ko.
sa mga lumipas na araw, nagdownload ako ng maraming ebooks at mga pelikula. i was reminded again that i need to stop looking for that someone and just focus in becoming the better me. magugulat ka na lang daw na by doing these things, darating na rin siya. taliwas naman ito sa sinasabi ni yash na dapat i have to be in the scene and that i need to throw myself into the ocean.
nakakalito. iniisip ko na lang na lilipas din ang mga araw na nag-iisa ako.