mahal ata ang pagmomove on.
today, i think i spent a lot trying to distract myself from feeling the pain of being heart broken. bumili ako ng mahusay na unan to make me sleep better at para mawala na ang pagnanasang may makayakap sa pagtulog. bumili rin ako ng dalawang pantalon dahil hindi na angkop ang sukat ng mga dati kong pantalon. sa wakas, nagbunga na rin ang aking paggym at hindi consistent na pagkain ng healthy. haha.
bumili rin ako ng beanie na kahalili ng bigay ni besty Matet. malapit na ang taglamig. kailangang warm and comfy. bumili rin ako ng bagong short na pangwork out at jogging pants na gagamitin ko sa pagpunta sa gym ngayong winter. bumili rin ako ng sapatos. sapatos na two-in-one na gusto ko, brogue na high cut perfect for winter!
in all these things, nakalimot ako kahit panandalian. hindi ko na siya tinext ngayon. tuwing alas nuwebe ng umaga, bumabati ako sa pamamagitan ng text ng good morning. may kasama pang smiley. maghihintay ako pagkatapos. madalas, pagsapit ng alas diyes y medya ng umaga siya sasagot ng good morning. mali, morning lang pala ang lagi niyang sagot.
sa mga nakaraang araw, nagiging mapakla ang sagot niya. disinterest at pagkauyam ang aking nadarama sa pagbasa ng mga text niya. at finally, ako na laging nagbibigay ng payo sa mga kaibigan tungkol sa pag-ibig ay nangailangan na ng payo. wag ko daw itext. hayaang madama niya ang aking pagkawala. pero, hindi ako nakatiis. tinext ko pa rin siya kahapon. at yun na nga, isang sampal ng kawalang gana sa pagsagot ang aking natanggap.
ang sakit.
masakit pala ang hindi pahalagahan ng isang tao na naging mahalaga na sayo. pero promise, hindi muna ako mamimili sa ngayon.
No comments:
Post a Comment