historical, hindi hysterical. yup, imbes na maging hysterical ako sa nangyari, i choose to be historical.
in 2003, i transferred to feu from dlsu. i changed my course as well. isang 360 degrees na pagbabago. from the school hanggang sa inaaral ko. nahuli ako ng isang taon mula sa batch mates ko sa high school. imbes na four years, umabot ako ng five years. pagsapit ng 2006, lumabas ang scandal sa leakage ng nurses' licensure examination. marami akong mga kaibigan at kaklase ang naapektuhan nito. dahil nahuli ako ng isang taon, naligtas ako sa scandal.
in 2008, nainterview ako for a work sa egypt. nakapasa ako along with other applicants na naging kaibigan ko din. i know that i was among the first applicants na nakapasa. so i waited for my departure. april may nakaalis na unang batch. mayo may umalis ulit. hindi na naman ako nakasama. june at august may umalis ulit. naiwan pa rin ako. at sa pagkahaba-haba ng paghihintay ko, nakaalis din ako ng september nung taon na iyon. inayawan ako ang magtrabaho sa medical city at that time since i signed the contract for egypt when the offer came. yes there were doubts. probably regrets din. pero by the time na nakarating kami ng egypt, we had a choice where to be assigned. and so na-assign ako sa critical care unit. it was the best start for my nursing career. intensive care unit agad and i had to practice it in a very different and difficult setting. siguro kung napa-aga ako, baka na-assign ako sa general unit. okay lang naman pero it was better at the critical care.
in 2009, nagtry ako sa u.k. after kong mag-egypt. nakapasa na ako sa interview. may visa na. ticket na lang ang ipapabook kapag lumabas na ang decision letter ko na okay na ako para mag bridging program. biglang hiningi ang registration details ko sa egypt which hindi ko naibigay dahil sa baluktot na pamumuno. naiwanan ako for u.k. and i was back to zero. five years na ang mga kasama ko sa application noon.
in 2010, i was working as a quality analyst. wala sa bedside. i was doing work outside of nursing. after a year, nag-apply ako sa libya. bedside nurse ako dun. intensive care unit din. nakapasa na ako sa interview na pinilahan ko for 10 hours. tiniyaga ko yun. pumasa na rin ako sa medical exam at nakapag-process ng papers. two weeks before my payment for the placement fee, sumabog ang giyera sa libya. hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang gulo.
ngayong 2014, sumubok ulit ako na mag-apply na maka-abroad. reference letter naman ang problema ko. dahil dito, nahuli na naman ako. flight kanina ng mga kasama ko dapat papuntang u.k. hindi muna ako nagbukas ng facebook. aaminin ko, nasasaktan ako. lalu na at nag-eexpect ako na magbibirthday doon pero hindi na naman tuloy.
nag-apply ako kaninang magprivate duty nurse nang malibang at may pagkakitaan. makakapagswimming din ako kung nagkataon. nilibang ko ang sarili ko. kahapon, nanood ako ng sine, yung the maze runner na nabasa ko na. tinapos ko din ang if i stay. at heto, nagsisimulang mag-aral sa pamamagitan ng youtube.
naisip ko, ang dami ng pagkakataon na yung mga delay at aberya ko, they all resulted into something better. kung hindi man ako nailigtas sa giyera, scandal o sa pangit na lugar, alam ko na may dahilan lahat and this is not me rationalizing the events that happened. nagpapakatotoo lang at nagpapakahistorical.