i have not written much about my work. all i can remember is that i have written tons of my whining.
so now, i might as well give you a picture of how my work is.
our work is a 16-hour shifting, from 8am-8pm and vice versa. mostly night duty ako and i like it that way kasi konti ang asungot and less ang pressure. you will find out later kung bakit. iba rin kasi ang routine pag day at night shift.
sa morning shift, mas okay kung papasok ka ng mga 10 minutes before ng shift mo. kadalasan kasi pag night duty, pumapasok ako ng ten minutes late dahil pag ako naman ang nirereceive ng day nurse, laging late kaya nakakapagendorse ako mga 830 na. that's how things work here. ang mga locals, hindi agad dumadating pero ang gusto nilang magreceive come endorsement time e mga pinoy since on time tayo lagi. not anymore! haha. pag pasok sa ccu, tingin agad ng board kung ano assignment tska kung may extra duty. ganito lagi mapa day or night duty. ang extra duty would include emergency/crash cart, inventory, intubation tray, procedure trolley, insertion trolley at ecg machine.
ang mga gamit ng tubero
ang cart ng buhay at kamatayan
ang ecart okay pag hindi yan bukas kasi ichecheck lang ang lock number and ipanalangin mo na lang na wala sanang magcode blue dahil kung hindi, patay ka sa pagcheck at pagrefill ng lahat ng laman ng ecart. ang inventory naman, kaasar usually. ikaw kasi in charge sa lahat ng cbg machines, cbg bottles and strips, stethoscopes, digital thermometers, portable monitor, hemochron tubes at kung anu ano pang mga gamit sa loob ng ccu. ikaw ang may responsibility kung lahat ng gamit ay kumpleto, working at hindi sira.
ang intubation tray naman madali lang. ang importante dun e working ang laryngoscope at kumpleto ang mga gamit like endotracheal tubes. ang procedure trolley naman e madali lang din as long as kumpleto ang supplies sa store room. eto ung dala-dala sa loob ng room kapag may procedure na gagawin hence the name procedure trolley. examples ng procedure sa ccu e cenral venous line insertion, femoral sheath insertion at temporary pacemaker insertion. ang insertion na extra duty naman e would cater sa mga less invasive na procedures like insertion of nasogastric tubes at urinary catheter. ang ecg na siguro ang pinakamadaling extra duty kasi ichecheck mo lang naman kung kumpleto ang pumps, may ecg paper at fully charged.
ang ecart, inventory at intubation tray, right away ginagawa kasi siyempre madalas yan ginagamit especially sa area namin na kung saan, pinakamarami ang nagcocode at namamatay. so after nun, receive na ng patient. ieendorse sayo siyempre the usual-name, age, diagnosis, date of admission, weight at kung may pre-existing conditions like htn, dm at hepatitis. then ang vitals signs, ang input-ang mga infusions at ang kanilang rate, kung by ryle feeding ang patient o kaya nya ng regular feeding tas output-mga drain sa ngt, chest tubes, urinary cath o kung anu-ano pang tumutulo o lumalabas sa patient. then ang ventilation ng patient. kung by room air, nasal cannula, face mask, non-rebreathing mask o kung ventilated. at kung ventilated, ang settings ng ventilator.
here comes now the assessment part utilizing the systems review. then ang mga routine checks mo like positioning, ambulation, feeding, pulse checks, safety aspect ng patient atbp. tapos ung huling part na i-eendorse sayo e yung mga nursing considerations like ang mga standing orders ng doctor like cbg every one hour, blood gas every 2/4/6/12 hours, mga labs to be taken, diagnostic procedures to be done at mga dapat pang ifollow up na results.
after nun, syempre ichecheck ang mga contraptions, ang vascular access, ang room ng patient tapos ang mga gamot. kung available sa cabinet ng patient at kung may pangendorse ka pa. chechekan din ang mga emergency equipments-ambu bag with connection sa oxygen, suction bottle with suction catheters, face mask, nasal cannula at iba pa. pipirma ka rin sa insertion date ng mga contraptions ng patient. checkan din kung may mga supplies ka na gagamitin like syringes, gloves, stop cocks at mga dressings.
ganung ang gagawin mo din sa isa mo pang patient. whew! ang ideal na one is to one patient to nurse ratio e hindi nasusunod dito. kahit sabihin pa nating jci accredited ito kaya bugbog talaga sa work. pag natapos na yung mga yun, pwede ka nang magstart ng documentation mo. eto basically ang pinakaroutine kaso kapag unstable ang patient, hindi ka agad makakapagdocument kasi siyempre kailangan na may pansunod ka na sa mga infusions mo at sure ka na walang magiging problema within the next few minutes. day o night heto usually ang ginagawa ko. after kong makapagdocument partially, magoorder na ako sa system ng mga missing na gamot at mga laboratory tests na kailangan ng patients.
next nun, magprepare na ako ng mga gamot tapos un na. hourly monitoring ng vital signs, input and output at kung anu-ano pa. pag day, mataas ang pressure kasi kailangan nakapagstart agad ang documentation mo before the rounds tas dapat printed ang lab results.
to be continued...
No comments:
Post a Comment