Monday, February 28, 2011

Baboy

hello monday!

nung weekends, umuwi ako sa probinsya. para mag-isip. para magrelax. para magpakababoy sa kapampangan food. lahat naman ay nagawa ko. nakapag-isip nga ako. nakapagrelax. at higit sa lahat, nagpakababoy sa pagkain.

even if walang pera, nagawan pa rin ng paraan para magpakababoy. ang halos walang laman na ref ay nakapagdulot pa rin ng sobrang kabusugan sa aming pamilya.

sino ba ang mag-iisip na may financial crisis kami?

Sunday, February 27, 2011

Showy

i am using two nokia phones. the ones with the flashlight. it is very light. easy to use. handy and no complications. they also serve as my ever reliable alarm clock when my urge to urinate at 6 am fails. there is no camera in each phone. no radio. no capability to hold an mp3 file. there is also no access to internet.

this is the mobile phone at its most basic form. and i am loving these two phones that i do not plan to change model. but, yeah. that would be unrealistic since i cannot even afford to eat at jollibee for 3 months now.

in my work, i am not a regular staff nurse. i am involved in quality management specifically on the nursing side. sometimes, even the linens. i do a lot of studies-time and motion. i gather and collate them to make monthly reports. it may be light sometimes but as in every work, nothing is easy.

now pardon me for not having any masteral degree. or even enrolled in a program at the moment. due to a series of events, i worked in egypt and ended up here in my present job. there were a lot of breaks but most of them were not just for me. however, i plan to get one.

so there is no need for people to emphasize my current state.

i may be using the simplest nokia model at the market right now but they serve me right. i cannot complain. i do not base my status on the latest mobile phone units.

i may not be working as a nurse right now but i have a working experience that you will never imagine to have if you are working in your current work place. besides, not many nurses are given the chance to work in quality management.

i may not hold a masters degree but i sure do know the nursing process. as an FEU Tamarraw Nurse, we are trained to utilize the nursing process. you can never graduate unless you fully know by heart the steps.

this is it. this is the last time i will ever give a damn to those people who try to belittle me.

i am not showy but i am not dumb.

Saturday, February 26, 2011

Spike



one thing na natutunan ko sa laro ng FEU MVT is huwag tira lang ng tira.

there are lot of ways to score a point sa laro ng volleyball. sa serve, sa block at sa palo.

sa palo, madaming paraan. meron ung tamang placing. o kaya sa tamang timing at tamang lakas pwede na. sa paraan ng FEU, laging sa lakas ang pamamaraan na gamit nila.

given na that they can hit the ball really hard. they can set beautiful plays. but thing is, wag nang ipilit ang isang bagay na hindi pupuwede. think of other ways to get the score.

so i guess, huwag ko na ring ipilit ang mga hangarin ko sa ngayon. i will think of other ways to score sa life.

the team may have lost this season but the spirit will only be more encouraged to train hard to get the championship next season.

as for me, i will not give up as well. i will just be more motivated to succeed.

Faith Empowers Us!

Thursday, February 24, 2011

Kuh

Isang factor kung bakit nagiging mahirap ang aking pagdedesisyon kung mananatili sa aking kasalukuyang pinagtatrabauhan e ang aking supervisor.

Habang si botcha girl ay patuloy na sumasahod nang mas mataas sa amin, tuloy lang ang aming araw araw na buhay sa opisina.
Sa dami ng mga studies na ginagawa, ang isang research pa na ipinilit niya kaming isinama ay patuloy na kumakain ng oras. Same output. Same amount of time to finish all the required tasks.

Madaming tao na ang aking nakausap tungkol sa isang napakalaking desisyon na dapat kong gawin.

And I quote Kuh Ledesma, “Dito ba?”

Bula

Ang pagkatalo ng FEU men’s volleyball team sa UST ay mas malala pa ata sa pagkabigo ko na makaalis papuntang Libya. Marahil, dinadaan ko na lamang ang lungkot at pangamba sa mga magaganap sa buhay ko.

Sa laban ng paborito kong team, naging mahigpit ang labanan. Lahat ay nagpapaalala sa aking mga naunsiyaming pangarap. Una sa Australia. Pangalawa sa London. Pangatlo sa Libya. Katumbas ng tatlong sets na laban.

Iniisip ko, san ba nagmula ang mga unforced errors? O magaling lang talaga ang kalaban? Pero, sino naman ba ang kalaban ko? Ang mundo? Ang mga bansang nabanggit? O ang Diyos?

Hihinto muna ako ngayon. Magpapahinga habang pipilitin kung paano makabawi sa susunod na laban. At this point, parang ayaw ko nang lumaban pa.

kung pwede lang yung bigla nalang akong mawawala sa mundo nang hindi nalalaman ng iba. Parang bula sa hangin na bigla na lamang nawala.

Tuesday, February 22, 2011

Patda

minsan, natatawa nalang ako sa mga nangyayari sa paligid ko. yung tipong mapapatigil ka. hindi sa dahil suko ka na kundi dahil sa hindi mo na lang alam kung paano magreact.

mukhang napapadalas ang mga ganitong eksena sa buhay ko. at sa totoo lang, iniisip ku kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na hinihintay ko.

kung hindi ukol ay hindi bubukol.

sa ganitong mga pagkakataon, alam na hindi ukol ang lahat ng mga bagay. subalit, hindi dapat nagtatapos ang lahat...

Carry On

and another one bites the dust.

there goes my dream for a fresh start. there. in the garbage bin. along with the dead people from the protests.

another failed bid to re-organize my life. another disappointment unforeseen. another face-palm moment. so hey, keep up the good work on me!

Friday, February 18, 2011

Winner

nakakapagod din pala yung lagi ka na lang nagsisimula. sabagay, bakit ka naman magsisimula ulit kung nagtapos ang isang bagay. sa bilang ko, lagi na lang akong nagsisimula and it comes to the point na parang nakakapagod na yung mag-uumpisa ulit.

i feel like i always belong to the exemption sa mga rules sa buhay. katulad na lang na kapag ang isang tao ay suwerte sa pag-ibig, malas siya sa pag-ibig at vice versa. kasi naman, hindi naman ako winner sa career at pag-ibig. parehong bokya ako.

as much as i can remember, ang mga dumb moments ko e dumb talaga. well, dumb nga naman. what im trying to say is that for those moments, ang hirap lang na intindihin how i came with those decisions.

so this is me, anxious and uncertain of tomorrow brought about the political struggle in middle east and some parts of africa.

cheers!

Thursday, February 17, 2011

Patutsada

i just got shitted.

well, nadoble na kasi the first time i wrote this post, hindi pala siya napublish. and it was all because of botcha girl in the office. even if hindi siya nakaduty dahil naconfine ang kanyang bebe dahil sa kanyang kagagahan, nakaranas pa rin ako ng kanyang shittiness nang magpunta siya sa office.

everytime na magbibigay ako ng expert opinion (expert daw o) to her wishes, lagi na lang siyang nagpapasabog ng kagagahan. clearly, ayaw ko sa kanya. even my other office mates would second the motion sa kanyang pagiging shitty sa buhay.

so ayun, i will be counting the days na makakasama ko siya as i have filed nga my resignation. but, san ba ako patungo? abangan sa next post ko...

Monday, February 14, 2011

Donut

matagal na rin akong hindi nakakapagblog simula nang iblock ang blogspot sa office. at mula noon, maraming kaganapan sa buhay ang hindi ko pa naisusulat dito.

umalis na si ate papuntang qatar at ang bangayang kambal versus ako ay lalong tumitindi. sa trabaho, padami nang padami ang mga hinihinging reports at pinapagawang gawain ng aking boss habang si BOTCHA girl ay patuloy sa pagbibigay ng mga botchang incident reports results.

kakastress. mas nakakastress pa sa mga makikitid ang utak na tao na naniniwala na kapag feb. 14 ay dapat may kadate. talo din ang stress na naranasan ko habang nanonood ng volleyball games sa arena kahapon.

so hello monday! salamat sa isang same old brand new day. buti nalang at may dalang krispy cremes ang aking boss.

Monday, February 7, 2011

Distraction

inaaliw ko ngayon ang sarili ko sa pamamagitan ng mga hataw ni vargas at mga running spikes ni morada ng feu women's volleyball team.

sa mga oras na ito, nakasakay na ng eroplano si ate papuntang qatar.

ang hirap pala ng naiiwanan. hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam. pagkatapos ni karen at benj, heto at si ate naman ang mang-iiwan sa akin.

hindi naman sa nagpapakabaliw ako sa lungkot. it's just that there is this void when i come home sa pampanga and i will not see her in her room. nor there will be this person who will disturb my peace once i am inside my room.

for now, makikisigaw muna ako sa tuwa habang pumapalo si magsumbol. heto ang video:

Saturday, February 5, 2011

Prosti

minsan, i'd like to think na sa past life ko, isa akong prostitute.

sige na, pokpok.

not in the way na promiscuous ako. or natural na malibog. it is just that i have this mentality to use what i have in order to achieve something.

of course, hindi naman pwede etong katawan ko ngayon nor my face. wala akong mapapala pag ganun.

ang gusto kong sabihin, i'll use my face and body para lang makamtan ang pangarap na makapamuhay sa ibang bansa.

ok fine, masyado na akong nahawaan ng colonial mentality. ayaw ko lang naman masabugan habang nakasakay sa bus pauwi from work. or, ayaw kong mapalibutan ng mga government officials na walang inisip kundi ang sarili. pati na rin ng mga kriminal na pinapakawalan.

ganito lang kasi, i want to live in a better place in the sense na mas ok ang trabaho at mas madaming opportunities. ang mga tao, disiplinado. pero alam ko na may kapalit yun. ang kasiyahan na dito lang sa pilipinas meron at mga kaibigan na bahagi ng iyong buhay.

i really admire people who have to sacrifice a lot in exchange of the things that they need. mahirap yun. so for now, i'll be prostituting my brains muna until somebody notices my body.

Aalis Na Si Ateng

sa lunes, ang apat ay magiging tatlo ulit. ang anim ay magiging lima nalang sa napakaraming beses.

aalis na kasi si ate.

gamit ang asul na maleta na dapat gagamitin ko papuntang u.k., excited siyang nag-aayos ng mga gamit kahit may konting bahid ng pangamba sa mga bagong mararanasan. bilang panganay, isang hamon para sa kanya ang pagpapakita ng katatagan sa pagkakawalay sa pamilya.

aaminin ko, mas close ako kay ate kesa sa aking ibang kapatid. o sa aking mga magulang, pinsan o kung sino pa mang kamag-anak. at hanggang ngayon, pinipilit kong isipin na hindi ako gaanong apektado.

sa kung ano ang magiging epekto nito sa akin, hindi ko alam. kaya lubos ang aking pananalangin na sana ay makaalis na din ako sa lalong madaling panahon.

muli na naman akong mag-aayos ng mga papel ko. mag-isa. walang kadamay. pero alam ko na ito ang tamang panahon para siya ay lumipad.

muli na naman akong mag-isang tatanggap ng mga kadramahan at daing ng aking ina. pero alam ko na ito ay pwedeng palabasin sa kabilang tenga at magkibit balikat.

aalis na si ateng at isang tao na naman ang nang-iwan sa akin.