Tuesday, October 25, 2011

Miss

bukod sa exam, ang mga bilin ni ate na ipapadala sa isang taong paalis papunta ng qatar ang isa ata sa mga dahilan kung bakit ako tinamaan ng flu.

ang toxic lang ng Bible na pinapahanap niya. abonado pa ako sa biyahe at paglalakad sa sta mesa.

naisip ko, sige na nga. para sa isang kaluluwang sabik sa mga bagay na galing dito sa pinas.

nung 2008, lumipad ako papunta ng Ehipto para magtrabaho. walang baon na arabic o alam na kaibigan, nangibang-bansa ako.

higit sa pagkamiss sa pamilya, mas namiss ko ang pagkain. ultimo patatas kasi doon ay may lasang arabo. ang tomato sauce, ganun din. pati ang mga noodles na galing ng oriental side ng mundo ay parang may lasang arabo.

hindi gaya sa california na parang hindi ka umalis ng pilipinas, ang ehipto ay okay na rin kumpara sa saudi. well, kung ang pag-uusapan ay ang degree ng iyong kalayaan. nakakalakad naman ako kung saan ko gustong pumunta. hindi kailangan ng permit. ngunit, limitado lang ang mga choices mo- pagkain, lugar na pupuntahan, at mga ibang bagay pa na magpalilibangan.

ang sabi ko kay ate masyadong madami siyang pinapadala. hindi ba siya mapepressure kapag siya ang umuwi? well, mukhang hindi pa nagsisink-in sa kanya ang consequences ng laging pagpapadala sa mga taong paalis o papunta ng qatar.

namimiss daw niya kasi ang food. actually, nagcacrave daw. well, goodluck sa kanyang pagpapayat.

nung magpunta ako ng egypt, ilang buwan pa lang akong nagtatrabaho dun nung natapyas ang ilang kilo ng taba sa aking katawan. marahil sa pagod at kakulangan ng pagkaing pinoy.

hindi ko alam kung kelan ulit ako makakapagabroad. tatlo o limang taon mula ngayon? hindi ko masabi. sa ngayon, ieenjoy ko muna ang mga bagay na meron sa pinas. ang usok, alikabok, mga snatcher, mga bastos na driver, mga basura sa tabi-tabi, mga palengkerang tao. ang traffic, ang mahabang pila kahit saan, mga jeep, kuliglig at mga tambay sa kanto.

1 comment:

LoF said...

sometimes you have to go to where you think the grass is greener to realize the grass is not greener on the other side.