Day off. Gabi, mga mag-aalas otso. Papatapos na ang summer ngunit mainit pa rin. Ang langit, maaliwalas pa rin. Walang ulap. Wala ring bituin. Subalit, ang buwan ay nagmamalaki sa kanyang liwanag. Siya ang bida sa kalangitan doon.
Ilang araw ang nakalipas, nabili ko rin ang bagong digital camera na ninanais ko. Pagkatapos ng mga nakakapagod na pagtatrabaho, may naibunga rin ang lahat. Ready na ako para mag-upload ng mga larawan sa aking blog at facebook.
Wala pa rin internet connection ang aming flat. Tahimik. Kaya’t napagdesisyon kong puntahan ang flat ng mga kasama sa trabaho para makigamit ng internet. Dala ang dalawang cellphone, coin purse na may lamang iilang piastres (perang barya sa Egypt), flash drive at ang aking bagong camera.
Mainit ang hingin. Tahimik kong pinihit ang tarangkahan ng aming pintuan sa flat at naglakad ng walang pangamba sa gabi na pinamumunuan ng mga halakhak ng mga batang Egyptian na nagfu-football sa daan.
Ang buong akala ko, mag-isa akong naglalakad. Walang kasunod o walang ibang tao na patungo sa aking direksyon. Wala naman din akong naramdaman na kakaiba. Kaya’t ganun na lang ang aking pagkagimbal nang biglang sumulpot ang isang mama na may hawak na kutsilyo. Pipindot na lang ako ng doorbell ng aking mga katrabaho ngunit nangyari pa.
Hindi ko siya maintindihan.
Basta ang alam ko, hinihingi niya ang aking mga gamit- cellphone, pera at lahat. Napangiwi ako sa takot at kaba. First time ko.
Sa Pilipinas, maswerte ako na hindi ako nakaranas nito. Pero sa lahat ng lugar, dito pa. inisip ko ang aking magiging itsura. Ipapacremate kaya ako o kaya naman ay ireref at ilalagay sa parang kahon na kahoy pauwi sa pilipinas. Morbid pero dumating ako sa punto na what if mamatay ako.
At that point, I told myself na uuwi na talaga ako. Ito na ang hinihingi kong sign.
*************************************************************************
Two years passed, I am home.
My camera is still here but the batteries are not functioning. Luckily, I came home whole- and alive. I guess I am still blessed after all.
Now, the next sign shall be anticipated.
No comments:
Post a Comment