Saturday, October 17, 2009

Pyramids at Sphinx

nangangati akong magtagalog. kaya kahit malapit na ang ielts exam ko, gagamitin ko muna ang ating sariling wika.

nung nagtatrabaho ako, maraming bagay ang tila napabayaan ko. nandyan ang aking kalusugan pati na rin ang komunikasyon sa mga ilang mahal ko sa buhay. naging abala sa pagpapahinga mula sa 12 oras na pagtatrabaho.

ngayong wala na akong trabaho, nagkaroon ako ng oras para gawin ang ilang bagay na noon ko pa dapat ginawa. isa na rito ang pagpopost ng mga larawan kuha sa egypt. kaya heto, sisimulan ko sa mga kuha ko sa pyramids at sphinx.


sa taas ng pyramids.


perfect shape.


ang sphinx at ako.


nasolo ko rin!


ang panorama. ang tanging lugar kung san kuha ang tatlong pyramids


inspired by coldman's visit in aspen

No comments: