hanggang saan ang iyong katakawan?
aaminin ko, it is in my blood. ang katakawan that is. so thank you mom for the genes that make my belly and man boobs big with every cup of rice taken. actually, hindi lang genes e. pati ang lahi ko.
i am proud to be a kapampangan. sa pagiging kapampangan, namana ko din ang pagiging appreciative of good food. and again, thank you mom sa masarap na pagkain.
kaso, the past few years, nagiging conscious nako sa mga kinakain ko. ang hirap lang pag nasa bahay kasi hindi ka pwedeng mag-inarte sa mga nakahain. isang malaking violation ang pagsasabi na masyadong maraming unsaturated fats o sadyang hindi complex carbs ang aming kinakain. or kulang sa fiber.
sa tuwing sasabihan kami na masama ang hindi kumakain (kahit busog pa), gusto kong ipamukha sa lahat na ako ay isang dakilang nurse at marapat lamang na pakinggan ako ukol sa mga nutritional wisdom na aking sasabihin. pero hindi. ako ay isang anak lamang na lumalamon ng libre.
in the end, wala pa rin akong lusot. nasa sa akin pa rin ang control. particularly ng aking katakawan na siyang nagdulot ng abnormal findings sa aking medical exam.
dahil medyo natanga ako sa paniniwala sa aking ever supportive na friend na si mark na kahit hindi fasting pwedeng magpamedical exam, kumain ako. but wait, hindi lang simpleng kain. isang heavy na breakfast!
at ito ang alamat ng mataas na liver enzymes.
No comments:
Post a Comment