sunday, 5:30 am. kalahati pa lang ng ulirat ko ang gising. mindlessly, kumakain ako ng cereals at panaka-nakang nag-aayos ng gamit para sa pagluwas ko sa maynila.
dad: bakit ang aga mong umaalis?
ako: may pupuntahan ako.
dad: work-related ba yan? dapat pag work-related wag mo ng gawin pag weekends. dapat priority mo ang pagsisimba.
naging mahaba ang aming argumento. napunta sa puntong sinabi ko na ayaw ko ang crowd sa simabahan namin at ang mga tao mismong kasama kong nagsisimba ang nagsisirian.
ang siste, hindi ko raw dapat pinapakialaman yun. mas dapat kong pag-igihan ang pagiging mabuting tao.
i felt like i was already at the church hearing the sermon of the pastor.
so i just kept silent. or the doom of the third world war will come at the halls of our house.
pati ang hindi ko raw pagbisita para magmano sa kanyang side. na porke ba mahirap daw sila at hindi na ako nag-abalang magpunta?
wala naman akong sinabing ganun. ang hindi lang nila alam, ayaw ko lang maramdaman ang maging unwanted. ang maging out of place. ang hindi kausapin o kuwentuhan ng hindi tungkol sa trabaho o kung ano ang pwede kong aplayan para sa nasira kong pangarap na makapunta sa u.k.
madami pang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta.
natigalgal ako honestly. nawala sa sarili. nabigla. pero tumuloy pa rin ako sa aking pagluwas. dumirecho ako sa san juan para manood ng volleyball games. imbes na sa may n.domingo lang ang halaga ng pamasahe ko, hindi ako nakatanggi ng ibigay ang ticket sa akin na katumbas ng pamasahe hanggang robinson's galleria.
habang nagseserve ang mga manlalaro, para akong istatwa na tulala sa isang tabi. for sure, apektado ako. at there goes my self-esteem. down in the depths of the earth.
No comments:
Post a Comment