Monday, January 3, 2011

Ang Mensahe

Right now, I am waiting for a text message that will somehow change my life.

Ganito kasi yun, kahapon, nainterview ako para sa isang trabaho overseas. With some old colleaguess, nakarating kami ng venue before 6:00 am. Mind you, yesterday was January 2 and people are still on the vacation mode.

But since we are that desperate enough to have work and leave the Las Islas Pilipinas, wala kaming naging paki kung anung petsa at oras gagawin ang interview.

Malamig pa at madalim pero madami ng mga nurses ang nakapila. Oathtaking ba ito? Ito ang tanong namin ng mga kasamahan ko sa sobrang dami ng mga pinoy nurses ang naghahanap ng trabaho.

Naghintay kami siguro ng mahigit sampung oras bago nasalang sa interview. Mga Arabo ulit. Panel ang style ng interview. Naramadaman ko ulit ang bangis ng aming oral revalida nung araw. Mag-aaral ng daan- daang procedures ng hindi mo alam kung ano ang itatanong sayo. Nagfocus ako sa mga topics about intensive care unit. Sa loob ng isang oras, natapos ko atang basahing ang 400 pages na librong Critical Care Nursing.

Hindi ako nagpakabitch sa mga tao sa paligid ko. Mahirap nang makarma at makasama sa huli ang mga taong sinungitan mo. I was there playing on same ground. Walang may alam kung ano ang chances sa pagkakatanggap sa trabaho.

Pagkasalang ko, I tried my best to use ang pambihirang charm na meron ako according to my frenemy na itago natin sa pangalang Mark Kevin. Tinanong lang naman sa akin ang pangalan ng mga doctor na nakatrabaho ko sa Ehipto pagkatapos marinig ang pinanggalingan kong ospital. Nakakatuwa kahit papano na alam nila ang Dar. Maya-maya, sinagot ko ang nag-iisang sagot nila.

Kwais daw ako. Meaning good. Isang papuri na masasabi kong nagpalaki ng chances para makasama sa trabaho. Pero, hangga’t hindi dumarating ang text message na magsasabi ng Congratulations, hindi muna ako magsasaya.

On the second day of this year, I did something bold. I guess I am on the right track.

No comments: