Friday, January 7, 2011

Left

alam niyo, marami ng beses na umalis ako at may naiwanang mga tao.

pero teka, puro sa trabaho o sa school lang naman. mas maganda sana kung meron sa pag-ibig. konting drama lang diba? kaso wala talaga.

nagsabi na kasi ako sa isang head namin sa office na hindi na ako pipirma ng regularization papers. konting assuming lang ulit na mareregular ako next month haha.

inamin ko na may mas magandang opportunity saken at pigil na pigil siyang umiyak. well, i think i made my mark kahit minsan lumalabas ang pangil ko sa isang officemate na itawag nalang natin sa pangalang BOTCHA.

mabait naman kasi itong isang head ng office namen. professional. calm. at matalino. siya talaga yung tao sa office na hindi ako nagdalawang isip na kausapin.

may common ground pa kami: ang La Salle! isang tunay na Lasalista kaya't hindi ako nahirapang makisama sa kanya.

ang trabaho ko ngayon ay nagsisilbing training at transition ground. madami naman akong natutunan. sa operations. sa quality assurance. sa pagtatrabaho sa pilipinas. sa office politics. sa buhay commuter.

may isang katangi-tanging pahayag ang pantas na si ryan. na ang tulad ko ay hindi nagtatagal sa hawla ng ating bansa. ang tulad ko ay lumilipad sa buong mundo. saan kaya ako dadalhin ng aking mga pakpak?

sa ngayon, walang konkretong plano. nadala na ako dati sa pagtataguyod ng mga planong nauuwi sa basura.

this year, bago ang na ang lahat.

*******************************************************

nagkita kami ni mark pagkatapos ng isang taon na iniwanan ko siya sa egypt. ang pagiging cold at malayo niya sa akin ay nag-udyok sa akin na pabayaan na lamang siya.

fast forward now, hindi makatingin ng direcho ang ka-close kung head.

must be hard being left behind. well, i should know nung umalis sina benj at karen.

No comments: