Friday, April 15, 2011

Seeds



i feel like i just graduated. pagkatapos umattend ng graduation ng kapatid, andaming flashback. mga preparations. mga expectations.

minsan masaya. minsan malungkot. lalo na kapag narealize mo na baka yun na ang huling pagkikita niyo ng mga kaibigan at kaklase.

akala ko yun lang ang mahirap. ang paghihiwalay. at ang pagkawala ng allowance. wala pa pala yun sa mga tunay na hamon.

habang nakaupo ako kanina sa e.r. at naghihintay ng mga patients na magiging data ko para sa report sa buwan na ito, naisip ko na matagal pa ang wednesday. sahod kasi sa wednesday pero tinigtignan ko ang wallet ko, ang laman e 100 pesos.

mabubuhay pa kaya ako nito?

bakit ko nasabing i feel i just graduated? kasi entry-level pa rin ang labas ko dito sa work ko. sa sahod at sa mga pinagagagawa, parang fresh grad lang.

a mixture of unfortunate events and decisions, i am now here. it is not that i despise my work today. or hindi ako kuntento. na pwede na hindi rin ako masaya.

parang after my work in egypt, i should be somewhere else na mas mataas ang sahod. pero here i am, mas bumaba ang sahod at nawala pa ata sa tamang landas.

sa pakikinig ko ng mga podcasts, ang sahod daw ay wag tignan na bunga. dapat ituring silang buto. seeds to planting your future harvest. it is a different take. mas maganda. mas positive.

aaminin ko, kahit papano nainspire naman ako. despite my current financial status. sabagay, i have no choice but to be positive. lalo lang akong matatalo ng mga kaisipang ito.

anyway, i am so used to beginnings. ung laging magsisimula sa wala.

*photo taken here.

Thursday, April 14, 2011

Dog Days

matagal tagal na rin pala akong hindi nakakapagpost ng entry.

nabusy sa trabaho. finally! so kahapon, nagpresent na kami ng output mula sa quality circle. it went well naman. maganda ang reception at walang masyadong violent reactions. kakapagod this week!

sa linggong ito, nagpresent din ako nung lunes para sa audit na gagawin ko at nung martes, naging isang alalay para sa kapatid kong gagagraduate.


ang kuha ko sa manila hotel nung martes.

next week will be tougher. pero okay na rin kasi holy week. mas maikli ang linggo pero katumbas ng mas madaming trabaho.

hindi pa ata tapos ang dog days.

Saturday, April 9, 2011

Tuta



nagmistulang yaya ako ng tuta kanina. kinaya ko naman. iyak ng iyak sa sasakyan habang hindi ko alam kung pano siya patatahimikin.

now, bakit nga ba hindi ko gusto ang mga pedia patients? nasabi ko na lang, ang mga pedia, medyo makukuha pa ang atensyon. sige Lord, pwede na rin ako sa pedia.

oh well, aso nga pala ang kalong ko. ibebenta na kasi siya. kaya ayun, nagpunta ng sm para ideliver ang pobreng tuta.

ano kaya ang feeling no? yung ipapamigay ka na pala sa mga taong hindi mo kilala. naiisip kaya ng mga tuta yon?

well, hindi ko ata masasagot to. hindi naman kasi ako tuta.

My Super Epic Fail Plan

gusto ko ng sampalin ang sarili ko nang makailang ulit para lang tumigil na ang nag-aalab kong damdamin. na sa kahit sa cellphone, nahuhuli pa rin ako.

hay buhay.

kagabi, nakatanggap ako ng text mula sa isang misteryosong numero. si jonathan pala! at may bagong number! alam na. siya ay may bagong phone na. salamat sa globe my super plan!

epic fail. isang nakakahiyang pagkabigo lang ang nangyari saken. heto at ang inapply ko na pinakamurang plan sa pinakamabaho nilang phone e hindi pa na-approve.



pero, nakakahiya nga ba? hindi rin naman siguro. sabi nga ni ken ilgunas ng the spartan student blog, hindi niya kailangan ang flashy na mga bagay. yung tipong kung ano ang uso. yung basic lang na kailangan e sapat na.

i guess hindi ko naman talaga kailangan ng bago. gumagana pa naman. natamaan lang ang ego ko siguro. i should love what i have. sana this will be the last time na maglalabas ako ng ganitong saloobin. ang babaw kasi na parang nakakahiya na.

so kung hindi approved, ok lang. 300 a month e mabigat na sa budget ko. in the mean time, sisindihan ko muna ang flashlight ng phone ko.



*photos taken here and here.

Mabruk



dati, may napupull-out na pinoy sa ccu na sobrang kasundo ko. nakakapagtaka kasi, maayos siyang magtrabaho. walang arte at walang bullsh*t na kasama. cool lang. panigurado din na kapag pull-out si hazel samen sa ccu, magcocode blue ang pasyente ko. three times na atang ganito.

ok lang. kasi tinuulungan ako ni hazel. kahit konting kuwentuhan, ok naman. diba may mga tao na kapag kaduty mo, panatag ka? ganun ako kay hazel.

pero ayaw sa kanya ng mga tao.

pinagtsitsismisan. minamata sa mga dating mali na nagawa niya. naangasan dahil sa kakayahan na sabihin ang mali.

so fast forward, nagkausap kami kanina. from an outcast sa ehipto, isa na siyang head nurse sa saudi! in 3 months, napromote daw siya from a staff nurse to the head nurse ng icu!

tuwang tuwa ako. kasi finally, people saw what i have seen in her. dahil dun, namiss daw niya ako. sabi ko, ako din. namiss ko din siya.

sa egypt, i knew a lot of people. pero i only miss few people from that place. now do i feel any envy sa kanya? merong konti. aaminin ko.

pero i believe na my time will come. for now, i will be happy for her and her impression saken.

mabruk hazel!

*photo taken here.

Friday, April 8, 2011

Translator



hay napapagod na ako.

sa pagbabasa ng mga blogs. sa paglilibot sa mundo ng internet. nakakapagod din pala. thing is, wala akong nakapending na trabaho. all requirements were duly submitted before the deadline.

kaso, by next week, magiging masalimuot na ang mundo ko. may presentation ako ng ginawa kong audit tool. tapos baka sumabay pa ang quality circle. on the third week ng buwan na ito, magsisimula na akong mag-audit sa mga nursing floors.

wala pa pala akong data for e.r.!

anyway, it is a friday. relax muna ang buhay kahit nakukulitan ako sa supervisor ko sa pag-eenglish ng mga dapat niyang sabihin. translator ito.

*photo taken here.

Thursday, April 7, 2011

Defensive

puyat ako. mula sa pag-iingay ng katabing bar namin. gabi-gabi, ganito ang sitwasyon. hinahayaan ko na lang kasi i give them three months bago malugi ang business nila.

i mean, para lang silang naglalaro e. parang mga bata na nagkapera at nagdecide agad na magput up ng bar. all to their attempt to legitimize their love for booze. maingay. nakakainis lang kasi after a hard day's work (hard daw o), ang gusto ko lang is to rest and sleep peacefully.



everyday drinking. getting to bar fights. no respect for people. bad, just plain bad.

a lot of people have said that i am too nice. too courteous. too refine. to the point na malamya daw. mahinhin. and to that, people put labels to what they perceive in the outside.

hindi ko lang maintindihan why people prefer yung may angas. yung may pagkabarumbado. yung may pagkasalbahe.

boring. walang adventure but a lot of people end up crying sa mga pinaggagawa ng mga taong pinili nila. i mean, hello? you just got what you deserve.

so yun lang. nalalabuan lang ako sa takbo ng buhay. not trying to be bitter here. oops, defensive.

*photo taken here.

Wednesday, April 6, 2011

Ambisyoso

hindi ako natinag sa paghihintay ng mahigit isang oras para matawag sa counter 2. umupo ako sa tabi at nag-iisip kung tama ba ang ginagawa ko.

may iranians na walang sawa sa pagkikipag-usap sa kaibigan. may naiintidhan naman ako pero kaunti lang. mga numero lang ata sa arabic ang gets ko. may mag-iina din. pero mas mukhang sosyal ang ina kesa sa dalawang anak na babae. akala ko nga yaya nung bata yung ate niya. may lola din na napakaingay. meron ding mama na hindi makapaghintay. nagawa ko na ata ang pagpansin sa lahat ng tao sa loob ng center.

maya-maya, tinawag na ang number ko. counter 7 daw ako. nagfill-up ako ng application form. binigay ang mga requirements. ok na sana nang biglang sumulpot ang mga pagpapatunay na ako ay isang taong namumuhay pa rin sa simpleng paraan. walang billing address. walang bank statement. walang registered mail.

sa probinsya, wala rin naman kaming telepono. wala din kaming credit card. wala din mga maynilad bills na nakapangalan saken. wala pa rin din akong t.i.n number since nagtrabaho ako sa abroad at kakasimula lang sa work. sa ganitong sitwasyon, nagtuloy ito sa walang sss i.d.

plan 300 lang naman inaapply ko. tapos, ung libreng phone sa plan na yun. kung sa food chain, ang phone ko e nasa level ng mga scavengers. mga uod, langgam at kung anu ano pang nasa pinakamababang antas. hindi yung blackbery at iphone.

ninais ko lang naman na magkacamera ang phone ko at radyo. ikinahihiya ko ba ang phone ko ngayon? hindi naman. it is just time na magpalit ng phone since even ang katulong namen e naka 3G phone na.

okay lang kung hindi ma-approve ang application ko. i had many rejections in the past. kahit ngayong umaga, dumating ang officemate ko na may blackberry phone mula sa pag-aapply din ng globe postpaid plan. approved agad siya. ngumiti na lang ako at nagpasalamat na buti na lang, hindi ko pa nasasabi na nag-apply din ako ng globe plan pero i-aapprove pa within 3-5 days.

i guess, ang puwersa ng mundo ay nagsasabi na huwag akong masyadong maging ambisyoso.

Monday, April 4, 2011

Fairy

i have never wanted to fail an exam than this: my entrance exam for graduate school.

so today came as a surprise when i received the text message from the secretary where i applied for. i should be enrolling into the program this week to be able to get in to the summer term.

now, i am torn. shall i wait for u.p. which offers cheaper tuition? but then, i will have to wait until may to know if i was able to get in to the program. if unsuccessful, i will have to wait for next year! oh no!

enrolling to the this school will leave me in dire poverty. their tuition is unbelievable! what shall i do? if only i failed their exam, i would have no choice but to wait for u.p.



now where is my fairy godfather? i need cash and wisdom!

*photo taken here.

Sunday, April 3, 2011

Pagkakamali

sa pagtitipid, nauwi sa paglustay ng natitirang 200 pesos. ito ang aking istorya. ito ang aking katangahan...

i decided to stay here in manila instead of the usual na pag-uwi sa pampanga. i was so in to the idea of spending my day doing some chores na dati e ginagawa ko during sunday night. nagluto ako. nagwalis ng nagwalis. nagpagpag ng mga gamit. nagplantsa.

pero tao lang ako. mahina. nalulumbay. nalulungkot. kaya't nang nagtext si jonathan, walang patumpik tumpik akong nagsabi na wala akong ginagawa at nagtanong kung anong oras magkikita.

bumangon agad at naligo. gumamit ng loofah upang matanggal ang libag. nagtoothbrush. nagpulbos at dali daling nagbihis. tinignan kong muli ang aking wallet. 200 pesos hanggang tuesday. kakayanin ko ba? kebs lang sa banga. masyado akong nalumbay nung friday.

pano naman kasi, umattend ako ng stroke review seminar sa ospital sa pagnanais na magbalik loob kahit papano sa nursing. hindi na ako nagtaka ng magsink in saken na mag-isa ako. siyet, ang liit lang ng department namen! nagmukha lang akong outsider bukod pa sa mga weird looks ng organizers kapag nakikita nila ang department ko.

pag-uwi ko ng bahay nung friday, wala ang kambal. tahimik. walang maingay. walang nag-aaway. walang nagsusuntukan. walang mautusan at walang mauto. nalungkot ako. i felt na loser na naman ako. pero hindi ko na masyadong pinansin at salamat sa sakit ng ulo na naranasan ko sa seminar. natulog na lang ako.

kaya kahapon, pumunta pa rin ako sa paanyaya ng mga tunay na kaibigan. nagsine. nagpop corn at kumain sa metrowalk. masarap ang pagkain. pero mas masarap ang kuwentuhan.

so far, abot sa limang daan ang nagastos ko na. salamat sa pagwiwithdraw sa atm. bago ang weekend na ito, ninais ko na makatipid sa usual na 300 pesos na nagagastos ko tuwing umuuwi ng probinsya. nagkamali ako.

subalit, natutuwa pa rin ako sa pagkakamaling ito.