Friday, October 22, 2010

Botcha

kumain ako ng siomai.

kumuha pa ako. nasarapan kasi ako e. tsaka libre. may sobra kasi mula sa dinaluhang seminar.

nang walang kaabug-abog, bigla na lamang nagkomento ang paborito kong office mate, "hindi ko siya gusto. hindi siya masarap. parang lasang botcha."

isang wtf ang tumakbo sa isip ko dahil sa tatlong dahilan:

1. hindi ko kailangan ang komento mo. hindi naman ikaw ang kakain so better shut your mouth.

2. walang pakialamanan. buhay ko to ate. kung bumula man ang bibig ko dahil sa lason na kakainin ko, so be it. kainin mo nalang yung pagkain mo na galing sa karinderya habang kakainin namin ang aming food from kfc. haha

3. hindi ako kumakain ng botcha. so hindi ko alam ang lasa ng karneng double dead. buti ka pa alam mo, pero, sayo na lang yan te.

bitter kasi itong office mate ko. hindi nabigyan ng fully loaded meal dahil alam naming may pagkain sila from their training. ayun. kung anu-ano kinocomment.

basta, life is beautiful. lalo na pag lasang botcha ang pagkain at libre! haha

No comments: