hindi naman ako nakaabot ng fairview sa paglalakad.
hindi rin naman nagcramps ang mga paa ko.
hindi rin ako sumigaw na halos lumabas na ang mga baga ko.
hindi rin ako tumalon sa España Tower.
hindi rin ako naglaslas ng pulso o lumaklak ng muriatic acid.
simple lang. lumabas ako ng bahay at umikot sa paligid ng Earnshaw at Cayco Street. huminga nang malalim. at huminga pa nang mas malalim.
maya-maya, nagrent ako ng computer. nagbukas ng facebook at nagmessage kay benj. nakipagchat sa taong espesyal sa akin (pero di ko alam kung ano ang tingin niya saken) at pati na rin kay ate. nanood at nakinig nang paulit-ulit ng mga videos na inspirational sa youtube.
kahit papano, naibsan ng konti ang dinaramdam ko. sa totoo lang, nahihirapan na ako. may choice pa ba ako but to endure all these things? lagi lang naman akong nasa sitwasyon na parang wala ng ibang choice but to accept kung ano ang nasa akin...
makapaglakad nga ulit mamaya.
No comments:
Post a Comment