may isang kaibigan at dating kasamahan sa ehipto ang nagsabi na may isang ospital sa aswan na tumatanggap ng direct hiring para sa mga momarid (nurse).
doble ang sahod mula sa pinanggalingang ospital. libre ang bahay. managed daw ng british.
natakam ako. tao lamang ako at isang hamak na gahaman sa pera para sa pangkabuhayan. nangangarap lamang ako nang mas magandang buhay. well, mas magaan na buhay na muna. ambisyoso na masyado yun.
message dito at message doon mula sa mga taong may connection sa ospital. hanggang nakuha ko ang email address nung papadalhan ng resume.
itinakda ko kagabi ang pagpapadala ng resume sa pamamagitan ng pagrerenta ng computer sa mga shop. pagkagaling ng divisoria, bigla akong nangati. sa likod. sa balikat. sa tiyan. sa binti. major allergy!
nagtake ako ng anti-histamine and ang ending, groggy na ako mula sa gamot. in short, hindi ako nakapaginternet at nakapagpasa ng resume.
sabi ko ngayon na lang. dito sa work. risky pero ala naman si boss. until now, naka benteng ulit na ata ako ng kakarefresh ng pagcompose ng mail. lagi kasing naiipit ang pag-attach ko kaya kailanagang magrefres at umulit.
is it a sign? na dapat hindi na ako babalik ng egypt? first, allergy. then, eto na naman. hindi ako makapagattach. pero sa ibang sites nakakapasok naman ako. so anong problema?
kung ganon man, na hindi ako para sa egypt, then thank you. at least, ngayon palang alam ko na.
2 comments:
hmmmm.... they may be signs but....
id try to exhaust possibilities.
that way, you look back and not live on what-ifs inside your head. try another computer and if not, ask for help. it usually works.
make sure you WILL your index finger (or any finger for this matter) to hit the "enter" button or any button that saves the attachment. sometimes, the brain is weird and funny. opppps, im not suggesting anything.
take care.
thanks rian...
Post a Comment