Monday, November 29, 2010

Success!

bagong lipat. unfamiliar pa sa mga bagay bagay sa bagong tirahan. alas dose na ng madaling araw. malamig ang gabi na nagdulot na mabilis na pagpuno ng aking urinary bladder.

lumabas ako. pumunta sa katabing banyo. sinubukang buksan ang gripo. sarado. shit! naiihi na ako.

bumaba ako from third floor. madilim pa rin kahit nakasindi na ang mga ilaw. no choice na talaga at baka maihi ako sa shorts ko.

ahh! buti walang tao sa cr sa baba. dali-dali akong pumasok at hinayaang maranasan ang katotohanan sa pangalan ng c.r. tunay na silid ng comfort!

nagflush at naghugas ng kamay. unlock ng door at hila. hila pa. at isang malakas na hila pa.

wait, kurot muna sa mukha. check! gising naman ako. hindi pala panaginip to! nakulong ako sa cr!

sige, baka madulas lang kamay ko. punas muna. hila ulit. wala pa rin! ano na gagawin ko? nakakahiya! tulog na ang lahat at kung sisigaw ako, isang katangahan ang magmamarka sa aking reputasyon!

pahinga nga muna. umupo. nagmuni-muni habang tinanggap ko ang aking kapalaran na ang gabi ko ay mairaraos sa tabi ng kubeta. titiyempuhan ko na lang na may bababa at gagamit ng c.r.

10 minutes...
20 minutes...
30 minutes...

hindi ko na kaya! masakit na ang aking katawan mula sa isang araw ng paglilipat! hila pa! shoot! naalis na ang knob ng isang pintuan! baka ievict kami agad dahil dito!

hayyy...

dasal dito. dasal doon. huminga nang malalim at sinubukang ipinihit ang isang door knob at poof! bukas na ang pinto!

dahan dahan akong naglakad at baka matunugan ng mga boarders na ang bagong lipat ang may kakagawan ng mga ungol mula sa paghila ng pintuan. pati na rin ang pagkasira ng isang door knob!

kinaumagahan, hinintay kong magkuwento ang chikadora naming landlady. wala naman nasabi sa mga ungol na narinig. o sa sirang door knob.

isang tunay na SUCCESS!

No comments: