nakaligtas ako sa tiyak na kapahamakan mula sa party ng kasamahan ni mama sa gym. birthday daw at imbitado ang buong pamilya pero hindi ko gustong pumunta dun para lumamon at magdagdag ng taba sa tiyan.
salamat kay benj sa pagsama saken sa practice sa choir, nakatakas ako mula sa pagrereto ng anak ng isang kaibigan ni mama saken. hindi naman sa ayaw ko pero not my type mga friends. period. tsaka pano na ang goal kong magkaanak ng may buhoy na kulay mais? so gotta stick to the plan.
*******************************************************************
masaya ang araw ko. nagsimula sa pagpunta sa church na talaga namang nagpabuti ng nararamdaman ko hanggang sa pagkikita naming mga miyembro dati ng choir nung high school. ang sarap ng pakiramdam na makasama ang mga tao na naging parte ng iyong buhay. sila na nagdulot ng saya at umukit ng mga magandang alaala.
sa pakikipagusap ko kay chard, naisip ko nasa tamang edad na rin ako para magisip ng future ko. kung ano talaga ang gusto ko. sa totoo lang, nakakainggit (in a good way) ung mga tao na alam talaga ang gusto nila sa buhay. isama mo pa ung mga tao na nagbago for the better.
*******************************************************************
i am excited...
-for changes in the coming months
-for the thought of having work again in a few months
-of leaving the country to reach higher grounds
-of thinking about my future
-of fitting in and standing out
*******************************************************************
if umabot man ako sa eleksyon sa susunod na taon, alam ko na kung sino ang iboboto ko para sa presidente.
siya na hindi nadadala ng popularidad, ng bugso ng damdamin, ng angking yaman at ng pinaniniwalaang relihiyon kungdi siya na nagtataglay ng totoong talino, ng galing at hangarin na mapabuti ang kalagayan ng bansa.
hanggang dito na muna mga kaibigan (kung meron man haha).
Monday, November 30, 2009
Just Fall on Me
just when i thought that i lost it, victory came.
it came when i felt that i did not win. when my defense mechanism to what seemed a way to protect my ego from my own fault crumbled, a light emerged.
how can i doubt You? how can i question Your greatness? how can i insult what You can do?
time and time again, i just keep falling apart. with each time i fall, You are always there to catch me...telling me to just fall on You...
p.s.
i could not find a decent video of the song so sorry. just listen to the song and feel the profound message of the song Fall on Me by Moonstar 88...

Thursday, November 26, 2009
Whiner
i think i whine too much.
ang daming nangyari sa paligid ko na kadalasan, hindi ko na alam kung paano iprocess ang mga ito. all i could do is whine...
like nung sunday, i whined about having to attend the reunion on my dad' s side. bago pa dumating ang reunion, inasam ko na sana tapos na ang linggo. only to realize na ang dami kong namiss. namiss ko ang maging open sa ibang tao. lagi ko na lang kasing sinasara ang sarili ko sa aking comfort zone. nakita ko ang ibang pinsan ko pero hanggang doon lang dahil sinara ko sa isip ko na pupunta lang ako dun for the sake of going.
pauwi, may nakita kaming aksidente sa daan. isang tricycle at motor nagbanggaan. ang driver ng tricycle, walang malay at sa kanyang itsura, kritikal ang kanyang lagay. naganap iyon siguro mga 5 minuto pa lang ang lumilipas bago kami napadaan. kung napabilis ang pagpapatakbo ni dady, malamang kami ang nandun sa aksidente.
sa isang iglap, napagtanto ko ang kahalagahan ng aking pamilya. ang mga bawat sandali na kasama sila at ang mga sandali na sinasara ko ang pintuan ko para magkalapit kami.
sabi ni mark dati, masyado kang reklamador. inaamin ko naman, madalas ganito ako. hindi pala dapat kasi natatakpan na ng reklamo ung mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. ang kulay ay nababahiran ng ibang liwanag. sa huli, hindi talaga naging tama ang magreklamo sa mga maliliit na bagay.

Sunday, November 22, 2009
Bilanggo
minsan, naniniwala ako sa concept of perfection. o kaya naman ng almost perfect.
andyan si mela. may lahing kastila, matalino, mayaman, maganda at mabait. ano pa bang kulang? o kaya naman ay si line na kung saan, namili kung ano ang regalo niya sa kanyang debut- condo unit o kotse?
hindi rin pwedeng balewalain si hazel. maayos na pamilya, nagtapos sa colegio san agustin, matalino, mayaman at maganda. pwede rin si diane. half chinese, maputi, mayaman din, maganda at magaling magprogram.
dumako naman tayo kay leon. guwapo, may-kaya rin sa buhay at maayos makipagkapwa tao. mahaba ang listahan. kahit nung nagpunta ako sa egypt, ang mga nakikita ko minsan ay inakala kong sa pelikula lamang ngunit, totoo pala ito sa buhay.
sabihin na nating hindi ko lahat alam ang tunay na istorya ng buhay nila. mga problema, mga insecurities din (kung meron), mga sikreto at kung ano pa mang bahagi ng buhay nila ang nakatago. hindi maikakaila na minsan, naiingit ako. nangangarap na sana ang buhay nila ay ang buhay ko.
nakakahiya mang aminin pero dumarating ako sa punto na hindi ko maappreciate kung anong meron ako kaya't minsan, mas maganda na ikaw ay nakakulong. bilanggo sa kung ano ang meron ka nang hindi mo na naising mamuhay ng perpektong buhay ng iba.

Thursday, November 19, 2009
Unworthy
guilty. i am guilty of backsliding. of lacking faith and of worrying too much.
i believe i think too much and as alfie, the friend of Dr. House in the episode entitled Broken said, thinking sucks.
it is true at this point. now that i have proven that i am not worthy of second chances.
sometimes, i am just so fucked up.

Clueless
mauudlot pala.
sa anong dahilan? hindi ko alam.
matutuloy pa ba? malay ko.
anong gagawin mo? wala akong maisip.
fuck!
*********************************************************************
more time? pwede.
more preparation? maari.
better plan? siguro.
not meant for you? baka.

minsan, ang tadhana ay mapagbiro. sa hindi malamang kadahilanan, ang mga bagay na iyong mimithi ay biglang naglalaho.
ngumiti ka sabi nila pagkat ang tadhana ang gumuhit ng iyong kapalaran. ngunit, masisi ko ba ang aking sarili na ngumiti sa paglalaro ng aking buhay?
sawa na ako sa paghihintay at higit sa lahat, ang makipaglaro. buong buhay ko, hinayaan ko ang elemento ng tadhana at kapalaran na manguna sa akin. subalit, ano ang aking napala? isang hunghang na larangan na pilit kong pinag-iibayo sa paglinang nito. nagnanais na ito ang magtutulak sa aking tagumpay.
ang lahat ay huminto ngayon. ang lahat ay nabura. ang lahat ay nakatanaw sa susunod kong hakbang.
fuck! fuck dahil clueless ako!

Wednesday, November 18, 2009
Ang Aking Unang Karanasan
nung 2008, naranasan ko ang mainterview para sa isang trabaho. nagbasa ng konti at nagpractice. laking gulat ko nang dumating na ang turn ko para sa interview.
ang interview ay fake! ito'y dahil uupo ka lamang para magbasa ng kontrata at presto! may trabaho ka na. natuwa ako na nadisappoint din. pano naman, nageffort talaga ako para magbasa at magprepare tapos ganun lang pala.
bukas, isang life-changing event ang mangyayari. shhh... may interview ako bukas para sa isang posibleng trabaho! siyet, kinakabahan ako kasi wala talaga akong pormal na experience sa pagharap sa mga interview. di ko alam kung magsusunog ako ng kilay sa pagbabasa o maghanda ng mga sasabihin tungkol saking sarili.
basta, Thy will be done! kung saken, saken talaga mapupunta kung hindi, may rason naman un.
huhu. dapat pala nagbabasa na ako!

Saturday, November 14, 2009
Ano ang Plano Mo sa Buhay?
this week, medyo naging busy ako.
nung monday, nagpunta ako sa isang agency para tignan kung ano ang mapapala ko sa pag-aapply sa kanila. mukhang ok naman kaso, parang nakakatakot lang maglabas ng pera. tuesday, sa bahay lang at maghapon nagiinternet nagbabakasakling may mga sumagot sa mga pinasahan ko ng CV ko.
wednesday, nagpunta ako sa isang ospital malapit sa amin para magpasa ng CV at gaya ng inaasahan, hindi pa tumatanggap ang ospital ng mga aplikante sa ngayon. pagkatapos sa ospital, direcho kami ni ate sa sm. naglakad-lakad at nagpalamig.
thursday, nagpunta sa makati para sa isang work opportunity kay ate. sinabay na din ang pamamasyal sa trinoma sa pag-asang makapagshopping ng konti at sa huli, narealize ko na mahirap magshopping ng masyadong mataas ang standards pero kakaunti ang pera. hahaha
friday, sa bahay lang. nagdesisyon ako na kailangan kong maging aktibo. hindi ko na hihintayin na magkatrabaho pa para lang pumayat.
ano na naman kaya ang naghihintay sa akin sa susunod na linggo?
nabuhay ako nang ganito katagal na nagpaplano lagi. lahat ay dapat pinaghahandaan. mas nagiging komportable kasi ako kung alam ko na ang lahat ay aking naayos.
subalit, hindi rin nagiging mabuti ang laging may plano dahil hindi sa lahat ng oras e umaayon ang mga pangyayari. at sa ganang iyon, naiisip mo na ikaw ay isang malaking kabiguan.
dahil dito, mas nanaisin mo na lang na huwag kumilos. maghintay na lang dahil takot ka na muling mabigo sa iyong plano.
pero ano nga ba ang saysay ng buhay kung ikaw ay puno ng takot sa magiging takbo ng iyong buhay?
nabuhay ka ba dahil sa plano? ano ang plano mo?

Wednesday, November 11, 2009
Qaitbay Citadel
happy thoughts naman. i have no regrets of working in egypt. in fact, i am really thankful for that chance of gaining experience and the chance to tour the beautiful country.
nung magdecide na akong aalis from the hospital, i made sure that i will be able to visit majority of the tourist spots egypt has to offer. though naging magastos, i really had great time.
aside from the pyramids, madami pang lugar ang egypt na talaga namang sobra sa ganda. i will start first with my trip to alexandria particularly sa qaitbay citadel.
The Citadel of Qaitbay (or the Fort of Qaitbay) is a 15th century defensive fortress located on the Mediterranean sea coast, built upon/from the ruins of the Lighthouse of Alexandria, in Alexandria, Egypt. It was established in 1477 AD by Sultan Al-Ashraf Sayf al-Din Qa'it Bay (Wikipedia.org).
The front view of the Citadel.
Inside the Citadel. This is the ceiling.
this view is just so majestic. i was standing in the back part of the Citadel facing the Mediterranean Sea.
i felt like i was in europe. more to come!

Tuesday, November 10, 2009
Bangon
sasabihin ko sa iyo ito: hindi masamang mabigo at hindi natatapos ang lahat sa mga kabiguan.
ilang taon na nga ba ang lumipas pero bakit tila nakabaon ka pa rin sa nangyari sa nakaraan. takot. nangangamba. bakit? hindi naman nagtatapos ang buhay at mundo mo diyan.
mangarap ka. humayo ka at abutin ang langit. hindi pa huli ang lahat. ang kailangan mo lamang gawin ay maniwala sa iyong sarili na ang lahat ay makakaya mo. bumangon ka. hindi pa huli ang lahat ate.

Tuesday, November 3, 2009
Pagsasadula ng mga Pangarap
malinaw ang gusto ko sa simula pa lang. manirahan sa ibang bansa at maranasan ang mga bagay na napapanood sa tv. magdrive ng sariling sasakyan, magsapatos sa loob ng bahay na naka-carpet na mga kuwarto, kumain sa local pub kasama ang mga barkada, magcivilian clothes sa school na hatid sundo ng school bus at maranasan ang mga buhay ng pinapanood kong bida sa dawson's creek o kaya naman ng young americans.
sabihin mo ng colonial mentality. siguro nga sapagkat pagkabata, naranasan ko kung pano mamuhay nang may konting kasaganaan mula sa pagpapakahirap ng aking ama sa ibang bansa. masarap. komportable. kaya't sa ganitong nabuong diwa ay umusbong ang hangarin kong makapagtrabaho at makapamuhay sa abroad.
simple lang naman un. mamuhay doon at magtrabaho. matamasa ang ilang bagay na pinapangarap pero bakit ganun ang nagiging kapalaran ko? bakit tila may pumipigil? katulad na lamang ng aberya na dulot ng 9/11 attack sa new york na kung saan nilalakad na ang aming mga papeles para makapunta doon. dahil sa nangyaring pag-atake, sumabog na rin na parang bula ang aming tsansa na makapunta sa u.s.
hindi ko rin malilimutan ang pagtanggi ng canada sa kagustuhan naming maging mamamayan niya. naging masakit para sa amin.
at heto, sa pangalawang henerasyon ng aming pamilya, ito na ang aking pagkakataon upang maisakatuparan ang lahat ng aming pangarap. ngunit, bakit ganon? parang nauulit na naman ang mga pangyayari na kung saan sa bandang huli, nanonood na naman ako ng mga palabas na gusto ko. nanonood pa rin at hindi pa rin ako ang bida. hindi pa rin ako ang gumaganap sa buhay na gusto ko...

Subscribe to:
Posts (Atom)