Tuesday, December 28, 2010

Kris and Ai-Ai

september 2009.

bubot. medyo chubby. excited na magkatrabaho. saktong sakto ang dating ko sa egypt. that time, gusto ko lang magtrabaho mula sa halos mag-iisang taon na pagiging tambay.

feu grad din. tahimik. mukhang takot saken. ni ayaw akong kausapin. pero bakit?

so hindi na ako nagpumilit na makipagclose sa kanya. pero, nagbago ang lahat ng wala na siyang makasama sa critical care unit. at dahil natural ang pagiging ambisyoso ko, sumama ako ng hindi alam ang naghihintay samen sa ccu.

unang linggo. hindi pa gaanong close. tahimik siya at mukhang iwas sa pakikipag-usap ngunit dahil kami lang dalawa ang pinoy, no choice na siya.

nung mag-iisang buwan, nagsimula kaming maging close. friend ang tawagan namen. lagi man kaming magkasama sa shift, lagi naman kaming magkalayo sa unit. magkabilang dulo. kapag may parehong hindi alam, nagdadasal kami na sana may tumulong. kung toxic ang isa, pumupuslit kung sino ang hindi toxic para tumulong.

isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nakatagal ng isang taon sa egypt. sa lahat ng hirap, andun siya. sa lahat ng kalokohan niya, sinasama niya ako. kagaya nalang ng talakan niya ang isang senior samen at dinamay ako. nafrustrate ako dahil ayaw ko ng gulo.

sa huli, pinarealize niya saken na kailangan kong manindigan at maki-anib sa kung sino ang tunay na kaibigan.

magaling siyang magluto. kakaiba ang taste. paborito si regine velasquez at kris aquino na pareho kong ayaw. pero pareho kaming mahilig mang-okray haha. matapos ang ilang buwan, iniwan ko siya sa egypt. sa totoo lang, namiss ko siya though nung mga huling araw ko sa egypt, baliw na baliw siya sa kanyang boyfriend at parang nakalimutan ako.

nung lunes, nagkita kami ulit. wala pa rin pagbabago samen. nagbabatuhan pa rin ng panlalait at kung anu ano pa. ginugulat ko sa mga forbidden questions.

walang pagbabago. buo pa rin ang magfriendship.

No comments: