malapit ko ng maubos ang isang rolyo ng tissue mula sa tagas ng aking ilong. welcome to my great long weekend for 2011!
friday. mga 10:00 pm. sinalubong ako agad ng mga latest chismis sa bahay. partikular na ang bangayan ng aking ina sa kanyang mga kapatid na nag-ugat mula sa paniningil ng utang ng isang tiya sa aking ina. maganda naman ang credit history namin kaso nga lang, kinailangan lang maningil dahil sa mga gastusin sa pagpapagawa ng bahay ng aking lola.
enter the dragon. mali, enter ang mga kapatid kong may malasakit sa amin-ang kambal. hanggang ngayon, malabo pa rin sa akin kung pano humantong sa pagsasabi ng aking tiyahin na nasa london na binigyan niya ng pera ang aking kapatid ng 7k para pambili ng cellphone.
nagwala ang aking ina. kasi naman, ang mga kapatid kong ito e hindi naghahanap ng trabaho sa manila sa pag-aakalang walang pamasaheng naibibigay ang aking mga magulang. ok lang na bigyan ng pera pero sana hindi nila irereserba yun pambili ng bagong cellphone.
siye*t sila. kasi ako ang cellphone ko yung may flashlight pa pero hindi ko pinapalitan kahit may trabaho ako. sila naku, maayos pa ang mga camera phones nila pero nag-iisip ng palitan ito. wala sa akin kahit ang kasambahay namin ay may camera phone din.
sana man lang maghanap muna sila ng trabaho ng hindi dumaing nang dumaing ang nanay ko. kakastress lang. kaya tuloy naghanap ako ng button para lamunin ng lupa at makatakas sa mga awkward moments. ako rin kasi, binibigyan ng mga tiyahin ko ng pera lalo na at nag-aaral ulit ako. ipunin ko daw kaso itong mama ko ay umandar ang pride.
kaya sana lang, maka-alis na daddy ko (happy fathers' day nga pala). tapos, maghanap na rin ng trabaho mga kapatid ko. though wala akong problema sa pagbebedspace kung sakaling umalis kami sa tinutuluyan ngayon, ayoko lang yung maglilipat. kakapagod kasi.
sa ngayon, hindi nag-eexist sa aking paningin ang kambal. naasar lang kasi ako. rebellious much. hindi naman ako ganito dati. tsaka parang walang pangarap sa buhay.
anyhow, tatahimik nalang ako at baka makain ko ang sipon ko kung dumada nang dumada.
No comments:
Post a Comment