as i type this, buhay na buhay ang mga taong walang alam gawin kungdi ang uminom at mag-ingay sa gabi. at heto ako, pinipilit na tumapos ng mga module para sa school.
masakit ang mga paa ko. actually, mga binti. mula ito sa halos walong oras na pagtayo sa pagconduct ng time study sa e. r. sinundan pa ito ng biglaan presentation ng ginawa kong audit. sa sobrang biglaan, hindi ko na nasimot ang aking panghapon na kape at nakapagtootbrush sana pagkatapos.
sa e.r., may isang construction worker ang andun. nahulog siya mula sa ikalawang palapag ng gusaling ginagawa nila. unconscious. walang bowel at urinary reflexes. ang paghinga, apetado na rin.
walang mapagkuhanan ng impormasyon tungkol sa pobreng construction worker. ang pamilya ay nasa probinsya daw at ang tanging kasama sa tinutuluyan ay mga kasama rin sa trabaho. inadmit siya sa ospital. mahirap ang pagdadaanan nya at ng kanyang pamilya.
may isang pasyente ang inadmit pa. isang binata ang uminom ng zonrox. bente anyos at masyadong nadepress daw nang malamang baka hindi makapag-aral sa darating na pasukan. sa pag-iimbestiga, hindi lang pala nagkaintindihan ang mag-ama sa paiipag-usap mula sa telepono. nailigtas naman siya ngunit ang panganib na dulot ng zonrox, hindi pa matantya sa mga oras na ito.
sa pananakit ng paa ko at sa oiliness ng aking mukha mula sa pagtayo pati na sa pagtitiyaga sa pag-aaral, maswerte pa rin ako. for a time, nainis ako. lunes ko pa natapos yun pero ang mga bossing ko ay hindi pa tinignan. kanina lang chineck at madami lang silang pinapabago. deadline ko? bukas ng umaga. first thing in the morning daw.
ok. lumipas ang dalawang araw pero hindi nila pinagawa. sa mga oras na nagfacebook sila, sana ay nagkaroon sila ng oras para ipagawa ang mga dapat ayusin. moving on, natapos ko naman. naisend na kanina. sana lang, maging ok na sa kanila.
tuwing gabi, pinipilit kong tumapos ng mga dapat basahin para sa masters degree. mahirap. kadalasan, pakiramdam ko e para akong grade one na tatapak palang sa bagong paaralan. so far, nakakaya naman.
ilang mangagawa nga ba ang nalalagay ang buhay sa alanganin para lang may maipakain sa pamilya? ilang estudyante ang nagtatrabaho para makapag-aral? o ilang libo kaya ang hindi nakapag-enroll ngayon?
normal lang naman siguro ang maburaot sa mga nangyari sakin ngayon. pero, naisip ko na suwerte pa rin ako.
*photos taken here and here.
No comments:
Post a Comment