define langaw.
it is when two of your close friends are bombarded with admirers and no one seems to notice you.
ganito kasi yan, benj and love are two of the people i get to be with most of the time. si benj, via internet and si love, sa aming mga weekly meetings sa victory. isang pinaka-sure sign ata na nilalangaw ka ay ang pagigng good listener.
pano naman, wala kang maikuwento tungkol sa mga admirers mo o kaya ng updates ng iyong crush. malamang sa malamang, makikinig ka lang talaga.
benj never appreciated his complexion. nor his expressive eyes. sa bansang hibang sa kaputian, his exotic looks rarely got the rave. pero little did i know na sagana siya sa mga taga-hanga.
nang magpunta siya ng singapore, i never felt that he left. almost everyday, magkachat kami. mas naging matibay ata communication namin. from this, i have heard his countless stories of hook ups which confirmed na mabenta ang kanyang exotic beauty. translation: katutubong dating.
now, seryoso na daw siya. because he is taken!
moving on, si love naman ang babaeng hindi nababakante ng admirers. sa bus, check. sa bar, check. sa school, check. she has charisma. may nagsabi nga na her name really suits her-lovely.
madalas, i give her advices tungkol sa pag-ibig dahil sabi nga ng aking propesor sa philosophy of man, ang tanging matinong advice sa pag-ibig ay manggagaling lang sa taong hindi in love. ako na ang taong ito. ako na ang magaling mag-advice.
how chariz solomon is to marian rivera, sheena halili to rhian ramos or eugene domingo to ai ai delas alas, ganun na lang din ata ako. supporting. taga-payo. taga-pakinig.
it is not that i am complaining. pwede naman sigurong maiba lang. wag yung nilalangaw sa tabi.
No comments:
Post a Comment