Wednesday, May 18, 2011

Ang Misteryo ng Kanta



classic na ang kantang ito sa bar sa ibaba ng building namen. mapababae o lalake, sabay sabay silang bibirit lalo na pagdating sa linya ng chorus na pataas ng pataas.

sa tatlong buwan na nag-ooperate ang bar, mainstay ang kantang ito. napansin ko, pati sa mga singing contests e paborito itong kantahin. kahit nga mga batang paslit na never pang nakaranas na mainlove.

ano bang meron sa kantang ito? e napakalungkot naman niya. tapos nakakapatid pa ng ugat sa leeg sa pag-abot ng nota.

siguro, merong kakaibang sensation kapag naabot mo yung nota. masarap siguro sa pakiramdam. o kaya, masarap lang talagang kantahin ang mga kantang pang-sawi sa pag-ibig.

di bale, bukas, itatry ko din siya.

No comments: