nung sabado, pinilit kong umuwi nang maaga para makatulong sa mga preparasyon para sa thanksgiving ng kambal. graduate na kasi silang pareho.
at sa pagka-obsessive compulsive ng aking mama, naghanda siya ng lagpas sampung putaha para sa okasyon. para sa isang simpleng okasyon daw. nagkibit balikat lang ako habang ang hinahanda ang roast beef at ang honeyed chicken. nung chinachop na ang lechon, ngumiti na lang ako. habang inihahalo ang sauce ng fish fille, yumuko ako. at nung inilalagay na sa serving plate ang seafood creole, pumikit na lang ako.
dahil alam ko na that day will be a long day for me. mali, for us pala.
okay lang naman ang madaming tao. o ang mga matatakaw. pero please, wag naman kayong magharvest ng mga pinagpaguran nina mama at jonah! nabusog na nga kayo pero wag naman kayong mamitas ng mga bubot pang mangga at mga gagawing binhi ng talong! geez! patay gutom much?
ang problema sa mga tao, masyadong feeling privileged na lahat entitled sa kung ano ang madatnan sa bahay namin. ang mga ilang kamag-anak, inuutusan pa si jonah! pinapasuweldo niyo? for effing sake, kung kami ang bisita niyo, hindi niyo nga kami mabigyan ng malinis na kutsara at tinidor!
so ayun. bukod pa yan sa mga patagong nagbabalot ng pagkain. really, ganito na ata kahirap ang pilipinas. these people do not serve us decent food kapag may gatherings (father side ha). tapos they act like this?
anyway, my mom was thrilled to know naman ata na everybody liked the food. subukan lang nilang magreklamo. last na paghahanda naman to for this year.
No comments:
Post a Comment