i went home today in pursuit of escaping the heat of manila. pagdating ko, walang nagbago. mas mainit pa pala dito.
have you ever felt you wanted to shout to let it out your anger? yung tipong bigat ng nararamdaman mo? pero hindi mo magawa dahil sa parang useless e. o kaya yung tanggapin mo na lang yung mga sitwasyon pero nahihirapan ka dahil sa oras na ginawa mo 'to, you have lost the essence of being right?
ganito kasi yun, si daddy bago umalis papuntang haiti, malapit na niyang maclose ang isang trabaho sa new caledonia. knowing that, may mga papeles siyang kailangang ipa-authenticate sa dfa. ang catch is, hindi niya ginawa hanggang makaalis na siya papuntang haiti. nag-iwan na lang siya ng authorization letters.
so pagdating ko sa bahay ngayon, kinukulit ako na dapat ayusin ang mga papeles na yon. e last week, sinabi ko na hindi ko magagawa yun dahil ubos na ang aking leave credits sa trabaho dahil last month, nagleave ako para sa graduation ng isang kambal. akala ko malinaw na yon hanggang sa nung martes, iniwan ng isang kambal ang mga papeles sa manila.
pinepressure ako ngayon. na baka hindi matuloy sa trabaho si daddy dahil sa mga papeles na hindi niya inayos. wala ng pasok ang kambal kaya't andito sila sa pampanga. in short, bakasyon.
hindi ba pwede na sila ang gumawa? kahit hindi nila alam, pwede naman silang magtanong a! wala naman silang ginagawa dito bakit kailangan ako ang gumawa? kung sila na ang nag-ayos e di sana next week ike-claim nalang.
ayaw kong magkumpara ng sarili ko sa kanila. pero hindi ko maiwasan e. walang narinig ang mga tao dito sa bahay sa pagpapatulong mag-ayos ng papel nung ako ay umalis for egypt. i did it on my own. pera lang ang hiningi ko. hindi ba nila pwedeng gawin yon? and who knows kaya sila ginawang kambal para magtulungan diba?
tapos makakarinig lang ako ng kuwento dito sa bahay kung pano tumanggi ang isang kambal na ipagdrive ang mother sa sm kahit may order ng 12 kilos ng mangga. ang hula ko, dahil sa may nba play off kaya't ayaw umalis. pwede rin dahil sa puyat siya. papano e natutulog na lang daw ng madaling araw dahil sa kakainternet.
which makes me think na kung hindi sila inispoil at hindi binaby na dapat tumayo sila sa sariling paa, hindi sana mangyayari ito. ang bunso nga e parang walang balak maghanap ng trabaho. ang dami ko nang sinuggest na pwedeng applyan pero ni isa ay hindi sineryoso ang mga sinabi ko.
ayoko na. ayaw ko ng magpalaki ng kapatid. so sige. ako na na naman ang mali dito. bahala na kung ano ang maging tingin ng boss ko sa 'ken sa kaka-absent ko.
lagi na lang ako ang parang may kasalanan.
it must be my bitch face. now keep your calm charltoninho.
*photo taken here.
4 comments:
mabuhay!
nagagalit ka kasi gusto mong tumanggi at ibigay yung trabaho sa kambal pero di mo kayang gawin noh.. either natatakot ka na hindi nila gawin at ikaw ang papagalitan or nagiguilty ka na di makukuha ni father yung work at kasalanan mo. ganyan din yung kapatid ko dati, pero dahil full support si muder sa kin na turuan si bunso at hayaan syang gumawa ayun wala syang choice kasi sya mapapagalitan. sige gawin mo nalang pinapagawa sayo pero kapag sa mga bagay na pansarili nila dapat sila na gumawa..
T-O-M-O!
mahal na mahal ka kasi ni Tita May!
wag ka ng malungkot.. may white coffee ka naman..haha.. tsaka c muder madami din syang moments na ganyan.. pero c fuder kakampi ko lagi..hehe
hay baka puro ka hype sa white coffee a.
ang tagal ng 12. maghanda ka na at ako din. ayaw kong malait..
Post a Comment