Monday, February 22, 2010

Anxious

tuloy na tuloy ang pagiging dakilang private nurse ko. as of kanina, naging abala ako sa paglilinis ng sugat ng aking lola at pagmonitor sa bp ng isang kapitbahay.

kahit puyat sa napakaagang church service namen, tumuloy pa rin ako sa mga pasyente ko. aaminin ko, masarap din ung pakiramdam na nakakatulong ka dahil sa pagkakatanda ko ng ako ay maging nurse, ngayon pa lang talaga ako nagreach out sa mga taong nasa paligid ko.

maging busy man ako this week, naisip ko na okay lang kasi sobra naman ang blessings ni God saken. may appointment na kasi ako sa visa application center. kabado dahil baka magka-aberya pero i do trust Him.

nasasabik ako na kinakabahan na nalulungkot na natutuwa na natatakot. sobrang kakaiba ung nararamdaman ko.

i hope everything will run smoothly...

2 comments:

Anonymous said...

enjoy mo lang yan while it lasts.

Charltoninho said...

sana magawa ko...