Friday, March 12, 2010
Kisses
siya si kisses. ang aking paboritong aso.
isang mini pinscher si kisses. anak siya ng yumaong aso namin, si kilians. magkamukhang-magkamukha ang mag-ina liban lamang sa isang bagay: mas maarte at mas malandi ang yumaong ina.
nakakaba pero sa tingin ko, parang nagmana sa akin si kisses sa kaartehan. hindi siya hihiga sa may buhangin o kahit anong lapag ng walang sapin. kapag kumakain, may seremonyas pa siyang nalalaman. may art kung kamain ang asong to. matagal pero malinis.
ang tindig, laging maayos. alerto sa lahat ng bagay at kung minsan, pati sa mga bagay na parang wala naman sa paningin ko. sa liit ng katawan niya, malakas siyang kumain. in fact, overweight na si kisses ayon sa aking pinsan na nag-alaga ng ninuno ni kisses.
matalino rin si kisses. kung mainit, pupunta ito sa aming bakuran kung saan ay may parang maliit na pool at doon ay magbabad. nang minsan ay nilalamig naman, siya mismo ang lumapit malapit sa isang siga upang doon ay magpainit.
sa tagal na naming kasama si kisses, hindi pa siya nagkakaanak. madalas nahuhuli kami sa kanyang season o di kaya naman ay nalaglag ang kanyang magiging supling. sa ganitong sitwasyon, ninais naming papayatin o ilagay sa diet ang aking paboritong aso.
hindi na siya pwedeng kumain sa lunch. tanging dinner na lamang ang kanyang mealtime at sa mga miryenda na pakikipagshare sa amin. ngunit, matalino talaga si kisses. madalas, sumasama siya sa iba pang aso namin sa pagkain ngunit ng lumaki na ang mga ibang tuta, hindi na makalapit ang pobreng si kisses.
ang solusyon? damo. oo, kumain ng damo ang aking si kisses para magkalaman ang tiyan. nalaman namin ito ng dakong tanghali ng kahapon, gumagawa ng ingay si kisses sa pamamagitan ng tila mga attempts na isuka ang isang bagay. nakakaawa si kisses. pinilit naming kuhanin ang anumang bagay na kinain niya. ang forceps ay walang kuwenta kaya inobserbahan muna namin siya.
sa tila pagsusumamo niyang gabayan siya sa kanyang pagluwa, ang kamay ni jonah ang nagsilbing gag reflex ni kisses at nailabas niya ang isang tila maliit na bola ng damo. sa wakas, ligtas na si kisses.
malambing si kisses. mabilis tumakbo at mahilig maglaro. minsan umaangal ako sa kanyang kalikutan.
gayunpaman, mahal ko si kisses. mamimiss kita kisses.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment