Thursday, March 25, 2010

Weak

san ba ko nagkulang?

prayers? marami. lahat nalang ng kaibigan, pinakiusapan ko na magpray para saken. mga kamag-anak at kung sino sino pa. napuntahan ko na ang Quiapo Church, ang mga monasteryo ni St. Clare sa Betis, Guagua at Katipunan, St. Jude Church, ung simbahan sa may Bustillos at bukod pa ito sa lingguhang pagdarasal sa aming simbahan kina lola.

hardwork? sobra sobra. naranasan kong maglakad sa kahabaan ng ermita para hanapin ang mga opisina na inaaplayan. bumiyahe ng mahigit tatlong oras para kausapin ang isang tao ng hindi lalagpas sa trenta minutos. kumain ng alas dos ng hapon para sa tanghalian. pagpawisan ng humigat kumulang na isang timba. gumastos nang napakalaki. makiusap at magmakaawa sa mga tao sa ehipto. magexam ulit ng ielts at halos magsuka sa kaba. mainterview sa employer at mawalan ng gana pagkatapos. ilang emails at ilang beses na pagpapafedex. ano pa ba?

ano pa ba ang kulang? gusto kong malaman. ano pa bang dapat kong gawin?

lahat na lang ng mga paraan na sinusubukan ko, laging hindi natutuloy. laging may problema. naghirap naman ako dun a? nagtrabaho ako at ibinigay ang lahat ng makakaya kahit minsan ay naabuso.

hindi ba ako karapat dapat para dito? dahil kung hindi, sana ngayon pa lang malaman ko na kasi masakit ang umasa sa wala. marami na akong pagod, pawis at perang inilaan para dito at hindi ko na alam kung hanggang kelan ko makakaya ang lahat ng ito.

napapagod na ko sa totoo lang at naawa na rin sa hirap na dinaranas ng pamilya ko. isa lang naman ang gusto ko, ang magtrabaho at makatulong sa pamilya. hindi naman siguro makasarili ang hangarin kong to.

maraming beses na rin na tila lahat ng anumang pagtatangkang gawin ko para makapunta sa mas magandang lugar e laging may humaharang. Lord, sabihin Mo lang sakin kung ano bang gusto mM at susunod ako. gusto kong maging faithful sa Yo pero nais kung humingi ng lakas pa para magpatuloy dahil sa ngayon, nanghihina na ako.

No comments: